Leon Barretto bukas sa pakikipag-ayos kay Dennis Padilla: I also miss my Dad but time heals all wounds | Bandera

Leon Barretto bukas sa pakikipag-ayos kay Dennis Padilla: I also miss my Dad but time heals all wounds

Therese Arceo |December 01,2022
facebook
share this

Leon Barretto bukas sa pakikipag-ayos kay Dennis Padilla: I also miss my Dad but time heals all wounds

Therese Arceo - December 01, 2022 - 06:34 PM

Leon Barretto bukas sa pakikipag-ayos kay Dennis Padilla: I also miss my Dad but time heals all wounds
AMINADO si Leon Barretto, bunsong anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, na bukas siya sa pakikipagbati sa kanyang ama dahil hangad naman niya ang kapayapaan para sa lahat.

Matatandaang noong June lang nang maglabas ng hinaing ang binata laban sa kanyang ama na sana ay tigilan na nito ang public shaming sa kanilang magkakapatid.

Ito ay matapos mag-post ni Dennis sa kanyang Instagram account patungkol sa tila pagkalimot ng mga anak niya kay Marjorie na sina Julia, Claudia, at Leon na batiin siya noong nagdaang Father’s Day.

Kaya naman hindi na rin napigilan ng binata ang maglabas ng kanyang hinaing laban sa ama at nakiusap na sana’y tigilan na ang kanyang pagpa-public shaming sa kanilang magkakapatid dahil labis na raw naba-bash at naaapektuhan ang mga kapatid niyang babae lalo na si Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Leon Barretto (@theleonbarretto)

Mas lalo pa ngang tuminto ang tensyon sa pagitan nina Dennis at magkakapatid matapos lumabas ang interview ni Julia Barretto sa YouTube vlog ni Karen Davila.

Kaya naman sa isang panayam ay natanong si Leon kung open pa ba ito sa pakikipag-ayos sa kanilang ama sa kabila ng mga nangyari sa kanila ngayong taon.

“Of course, in God’s perfect timing. I’m for peace naman, I really trust in God’s timing talaga. I keep emphasizing that kasi importante talaga yun. Time lang talaga,” saad ng binata.

Dagdag pa niya, “For me naman, I also miss my Dad but time heals all wounds. At the end of the day, ang importante lang talaga, when we reunite peacefully na. God’s perfect timing but I’m really open to reconciliation and peace with my father.”

Pagdidiin niya, naniniwala pa rin siya na mas mabuting pag-usapan nang pribado ang mga problemang pampamilya.

“I believe when it comes to that, you should talk privately, pero at the end of the day like I’ve said, all I want is peace with my Dad,” sey pa ng binata.

Related Chika:
Leon Barretto nagsalita na sa isyu kaugnay ang amang si Dennis: This is me stepping up to protect my sisters

Julia umaming nasaktan nang sagutin ni Leon si Dennis: He’s very brave, I love him because now he’s the man of the house

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis may open letter din para kay Leon, hiling na makasama muli ang anak: I regret all the times I hid my feelings from you…

Dennis Padilla apektado sa open letter ng anak: I am sorry Leon, miss ko lang kayo…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending