Holy Week message ni Julia Montes hugot na hugot: 'Let's not start our day with the broken pieces of yesterday' | Bandera

Holy Week message ni Julia Montes hugot na hugot: ‘Let’s not start our day with the broken pieces of yesterday’

Ervin Santiago - April 06, 2023 - 02:14 PM

Holy Week message ni Julia Montes hugot na hugot: 'Let's not start our day with the broken pieces of yesterday'

Julia Montes

BILANG pakikibahagi sa paggunita ng Semana Santa ngayong 2023, may makabuluhang paalala ang Kapamilya actress na si Julia Montes para sa madlang pipol.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng rumored partner ni Coco Martin ang ilang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng bawat Filipino ngayong Holy Week.

Kahapon, Holy Wednesday, nag-post si Julia ng isang litrato kung saan makikita ang isang lamesa na tila ginawang altar na may nakapatong na crucifix, kandila, Holy water at libro o notebook na na may nakasulat na “Plano ni Lord.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


Sa inilagay niyang caption, hinikayat ng aktres ang lahat na palaging magpasalamat kapag nagigising mula sa pagtulog dahil naniniwala siya na totoo ang kasabihang “every morning is a blessing.”

Baka Bet Mo: Angel gumawa ng tula bilang paggunita sa ABS-CBN shutdown: Hindi susuko at patuloy na lumalaban…

“Let’s not start our day with the broken pieces of yesterday… Every morning we wake up, it is the first day of the rest of our life,” ang simulang bahagi ng caption sa kanyang Instagram post.

“After my 28th birthday, I realized so many things in life and I’ve never been more grateful.

“I promise it’s gonna be closer to You this time around… Lifting everything up to You, Lord God,” mensahe pa ni Julia.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin sa publiko nina Julia at Coco ang tunay na estado ng kanilang relasyon pero ilang ulit na ring sinabi ng Kapamilya actor na masaya ang kanyang personal life.

Ayaw lang daw talaga niyang magdetalye pa tungkol dito para makaiwas sa tsismis at intriga.

Maxene Magalona on mental health: The past no longer defines me, the future no longer worries me…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla Abellana may paalala sa netizens: Be kind…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending