Carla Abellana may paalala sa netizens: Be kind... | Bandera

Carla Abellana may paalala sa netizens: Be kind…

Therese Arceo |February 08,2022
facebook
share this

Carla Abellana may paalala sa netizens: Be kind…

Therese Arceo - February 08, 2022 - 03:58 PM

Carla Abellana may paalala sa netizens: Be kind...
MAY paalala ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa mga netizens ukol sa kanilang pagbibigay kumento sa ibang tao.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng aktres ang isang quote mula sa “The Smoking Words” ni Anamika Kamal Makhija.

“When we comment on someone – be it on their dreams, on their lifestyle or on their appearance, we should understand that no matter how insignificant our opinion should be for someone else who is okay trying, people do get affected.

“Little things are not always little. Our little comments or jokes might leave a huge impact on someone’s mental and emotional well-being. If we can’t encourage someone, it’s better to stat quiet rather than demotivating them.”

“Be kind,” saad pa ni Carla.

Sa ngayon ay isa si Carla sa mga artistang talagang pinag-uusapan matapos kumalat ang chika na hiwalay na siya sa kanyang asawang si Tom Rodriguez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Pagpasok pa lang ng taon ay mukhang sinubok na ang agad ang relasyon ng bagong mag-asawa.

Matatandaang noong Oktubre 2021 lamang nang maganap ang engrandeng kasal nina Carla at Tom sa Batangas.

Pitong taong munang naging mag-girlfriend at boyfriend ang dalawa at talagang nag-ipon ang dalawa para matupad ang kanilang dream wedding.

Pero tatlong buwan pa lang ang nakakalipas ay may intrigang agad na kumalat na nagsasabing naghiwalay na sina Carla at Tom. May iba’t ibang ispekulasyon pa kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila.

May ilang nagsasabi na may nabuntis raw na kapwa artista si Tom at mayroon ring nagsasabing naghiwalay ang dalawa dahil sa diumano’y tunay na kasarian ng aktor.

Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang dalawa ukol sa isyung ito.

Kamakailan ay nag-trending muli si Carla matapos niyang ibahagi ang kanyang bagong tattoo sa kanyang vlog. Kapansin-pansin kasi na hindi present ang kanyang asawa sa vlog at hindi rin nito suot ang kanilang wedding ring.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami sa mga netizens naman ang naghahangad na sana ay hindi totoo ang balita at kung may hindi man pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa ay sana maayos na ito.

Related Chika:
Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending