Richard Yap may paalala ngayong Semana Santa: Don’t forget to pray
BUKOD sa panahon ng pagninilay-nilay ngayong Holy Week, isa rin sa mga inaabangan ng ating kababayan ay ang long weekend.
Ito ay matapos ideklarang holiday ang April 6 hanggang 8, pati na rin ang April 10.
Makikita pa nga sa mga balita at social media na marami na ang bumiyahe pauwi ng kani-kanilang probinsya upang makasama ang kanilang pamilya.
Dahil diyan ay nagkaroon ng paalala ang aktor na si Richard Yap sa madlang pipol.
Ayon sa kanyang Instagram post, huwag kalimutang magdasal kahit naka-bakasyon ngayong Semana Santa.
“Relax & recharge, spend time with your loved ones but don’t forget to pray,” sey niya sa IG post.
Patuloy pa niya, “Pray that Jesus did not die on the cross for nothing, that evil doesn’t triumph over good, that honor and integrity will be more important than money and power.”
“May our Lord Jesus’ sacrifice not be in vain. Have a blessed Holy Week everyone,” aniya pa.
View this post on Instagram
Libo-libong netizens naman ang sumang-ayon sa aktor at narito ang ilan sa mga komento nila:
“Amen. Let’s use this opportunity to reflect on the sacrifice God made for our salvation.”
“[clapping hands emoji] Never ending learning from you. Indeed nothing is hard for someone who is very determined and who is very hardworking like you.”
“Amen [folded hands emoji] try to live CHRIST-LIKE. Do things that will please God. Be kind and make forgiveness a habit GOD BLESS YOU SER CHIEF.”
Matatandaang unang sumikat si Richard bilang Sir Chief sa hit teleserye na “Be Careful with my Heart” katambal ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.
Magkakaroon ulit siya ng teleserye kasama ang si Jodi na pinamagatang “Unbreak My Heart.”
Ang mga eksena ay kinunan sa Europe at tampok din sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.
Related Chika:
Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let’s unite and forget politics
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.