Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let's unite and forget politics | Bandera

Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let’s unite and forget politics

Therese Arceo - July 26, 2022 - 05:14 PM

Sharon Cuneta may panawagan para kay Bongbong Marcos: Let's unite and forget politics
NAPAG-USAPAN sa naganap na concert tour na “Iconic” nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez ang naging resulta ng nagdaang eleksyon noong Mayo 9.

Nitong July 15, sa second leg ng North America tour ng dalawa na ginanap sa Copernicus Theater sa Chicago, nagbigay ng mensahe ang Megastar sa kaibigan at bagong halal na presidente ng bansang si Pangulong Bongbong Marcos.

“There is a new Philippine President. We have to pray for him and wish him only the best because we have to be united as a country and whoever the Filipino people have chosen, we have to respect, honor and pray for,” saad ni Sharon.

Aniya, ang pagkakapanalo raw nito sa nagdaang halalan ay isang oportunidad para patunayan ang mga maling pananaw ng mga Pilipino sa kanyang kaibigan.

“Because he has a rare chance of redeeming the name and we pray he does because it will be good for every Filipino. So let’s unite and let’s forget politics. Naka-move on na ‘yung mga kandidato, ‘yung iba hindi pa,” dagdag pa ni Sharon.

Sey naman ni Regine, lumang balita na raw ang naging resulta ng nagdaang halalan.

“And also, if we wish him na hindi siya maging successful de tayo rin ang kawawa so let’s just pray for him. Let’s support him,” sey pa ng Songbird.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

 

“Right. Let us support and pray for him. Wish him all the best. All the best President Marcos,” pagsang-ayon naman ni Sharon.

Matatandaang iisa ang mga kandidatong sinuportahan ng dalawang sikat na mang-aawit noong nagdaang eleksyon.

Parehas silang nagpakita ng pagsuporta sa tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan.

Bagamat parehas na hindi nagwagi ang mga kandidatong sinuportahan ay natanggap naman nila na ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte ang hinalal ng taumbayan sa dalawa sa pinakamataas na pwesto sa bansa.

Related Chika:
Promise ni Pangulong Bongbong Marcos: Wala na tayong gagawing lockdown…

Sharon Cuneta sa nagsasabing nang-agaw sila ng campaign color: Go find your own color!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit

Sharon Cuneta, Helen Gamboa nagkabati na,netizens nag-react: All’s well that ends well

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending