Sharon Cuneta, Helen Gamboa nagkabati na,netizens nag-react: All's well that ends well | Bandera

Sharon Cuneta, Helen Gamboa nagkabati na,netizens nag-react: All’s well that ends well

Therese Arceo - June 12, 2022 - 11:03 AM

Sharon Cuneta, Helen Gamboa,netizens nag-react: All's well that ends well
MAKALIPAS ang ilang buwan nang hindi pag-uusap, bati na ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang pamilya ni Helen Gamboa.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang nag-iisang Megastar ng mga larawan kung saan kassama niya ang kanyang Mommy Helen at Daddy Tito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Nag-post rin siya ng larawan kasama ang mga pinsan na may caption na “My sisters and me. Tonight.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Labis naman ang saya ng mga netizens at tagasuporta ni Sharon nang makita ang mga larawan dahil finally ay nanumbalik na ang maganda nilang samahan.

“All’s well that ends well! Family is family! Blood is always thicker than water,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Family beyond everything.”

“Wow!! They have reconciled. Happy endings make us happy,” dagdag naman ng isa.

Nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon dahil sa nagdaang eleksyon kung saan naglaban sa magkaparehong posisyon na pagka-bise presidente ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan at ang itinuturing niyang pangalawang amang si Vicente “Tito” Sotto III.

Pareho namang hindi pinalad ang dalawa na masungkit ikalawa sa oinakamataas na posisyon sa pamahalaan dahil si Vice President-elect Sara Duterte ang napili ng taumbayan.

Matatandaan na nagsimulang maapektuhan ang relasyon ng dalawang kampo buhat nang magsimula ang filing ng Certificate of Candidacy at mismong si Sharon ang nagkumpirma na talagang nahirapan siya sa nangyayari sa kanyang social media accounts.

Ang asawa ni Tito na si Helen Gamboa ay kapatid ng yumaong ina ng Megastar na si Elaine Cuneta kaya hindi naman kataka-taka kung bakit malapit siya sa pamilya nito.

Sa katunayan nga ay sa sobrang lapit ng mga ito, itinuturing nilang “panganay” si Sharon kaya hindi maiwasan ng singer-actress na humiling noon bago magtapos ang campaign period.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I pray that after this game called politics is over, that wounds are healed, loved ones do not doubt your love for them, and I and my sisters, especially, the only family I have left besides my own, find our way back to one another’s arms, unscathed and free of the pain our battlescars have brought us.”

At gaya ng hiling ni Sharon noon, ngayon nga ay muli na silang nagkaayos ng kanyang pangalawang pamilya.

Related Chika:
Tito Sen binalikan ang araw nang itanan si Helen Gamboa; may tips para sa matatag na married life

Mike Enriquez nag-viral matapos tawagin si Sharon Cuneta na Helen Gamboa; netizens tawang-tawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending