Richard Yap naka-score sa kinasuhang politiko sa Cebu pero inireklamo naman ng nagpakilalang 'anak' niya | Bandera

Richard Yap naka-score sa kinasuhang politiko sa Cebu pero inireklamo naman ng nagpakilalang ‘anak’ niya

Ervin Santiago |October 13,2022
facebook
share this

Richard Yap naka-score sa kinasuhang politiko sa Cebu pero inireklamo naman ng nagpakilalang ‘anak’ niya

Ervin Santiago - October 13, 2022 - 06:08 PM

Richard Yap naka-score sa kinasuhang politiko sa Cebu pero inireklamo naman ng nagpakilalang 'anak' niya

Richard Yap

KASABAY ng pag-usad ng kasong cyber libel na isinampa ng Kapuso actor na si Richard Yap na isinampa niya laban kay dating Cebu City Councilor Prisca Niña Mabatid.

Kaugnay ito ng pagpapakalat umano ni Mabatid na meron siyang inabandonang anak at paggamit daw ng government funds noong tumakbo siyang kongresista sa Cebu.

Ibinahagi ni Richard sa publiko, sa pamamagitan ng Facebook na umakyat na sa korte ang two counts of cyberlibel na kanyang isinampa laban kay Mabatid sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Ipinost ng aktor sa FB ang warrant of arrest laban kay Mabatid na may caption na, “Thank you Lord that the wheels of Justice are finally moving.

“Even though she tried to influence the Fiscals by calling them during the investigation which was illegal. The fiscals were honest and fair and upright and could not be swayed by her threats and use her of her influence,” pahayag pa niya.

Samantala, nagbahagi rin si Mabatid sa social media ng isang court order mula Cebu Regional Trial Court kung saan ang nakalagay na petitionee ay si Joshua Jensen habang si Richard naman ang respondent.

Ang sabi ng dating konsehal sa kanyang socmed post, “Abandoned child by Actor Richard Yap filed a case against YAP for paternal suit.

“As an advocate of the protection and welfare of children, I pray for DNA TESTING kay maluoy ko sa bata. pero di man cya pa test but once the court orders wala cya’y mahimo? in my opinion liwat kaayo cya ni richard yap,” sabi ni Mabatid.

“Josh Jensen good luck dong, truth shall prevail,” dagdag pa niya.

Sa isa pa niyang post, mababasa ang mensaheng ito, “Good luck Josh, I remembered your story na una mo cya hinanap sa office nya kasama lola mo, 3 years old ka pa lang nuon pero hindi nagpapakita, nakita mo cya sa chowking advertisement pero hindi mo alam saan puntahan.

“Then nung nag artista cya pumunta ka sa abs cbn ilang beses pero walang nangyari sabi mo nag tatago. gusto mo mag file ng case matagal na pero wala kang address.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Yap (@iamrichardyap)


“Finally sa Cebu mo nakuha ang residence nya and you had to stay in Cebu para maka file ng case kahit nag waiter ka lang sa Cebu at minsan naubusan ng pera. Nakikikain ka pa kung sino2x.

“Tinulungan ka pa ni late Cong Raul delmar para maka punta ng Cebu.

“I hope the Lord will guide you para matahimik na ang kalooban mo. I know hindi pera ang habol mo kung hindi hustisya dahil sobrang puno ng sama ng loob ang puso mo.

“Gusto mo ipa mukha sa kanya na totoong anak ka nya kaya gusto mo ng DNA. Sana walang power play para lumabas ang katotohanan. Naghihirap ka ngayon pero may Dios, mag tiwala ka lang,” rebelasyon pa ni Mabatid.

Sa isang panayam, mariing dinenay ni Richard na may anak siya sa labas,“I’ve been in show business for 10 years and I still have a child?

“As you can see, that person is not from Cebu. He doesn’t know how to speak Bisaya. Why is he filing in Cebu? Who is behind that?” paglilinaw pa niya.

Bukas ang BANDERA sa magiging depensa at paliwanag ng mga taong involved sa mga nabanggit na issue at kaso.

Richard Yap umalma sa paglantad ng nagpakilalang anak: I have never seen him, met him, talk to him ever since…

Richard Yap isa sa mga unang celeb na nagka-COVID: Sobrang hirap, there’s nothing I could do but pray…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong pinanindigan na walang kasalanan: Parang ako pa yung nababaligtad…alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending