Ivana Alawi sanay na sanay magpaputok; Coco waging-wagi pa rin sa 'Batang Quiapo' | Bandera

Ivana Alawi sanay na sanay magpaputok; Coco waging-wagi pa rin sa ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan |October 25,2023
facebook
share this

Ivana Alawi sanay na sanay magpaputok; Coco waging-wagi pa rin sa ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan - October 25, 2023 - 11:28 AM

Ivana Alawi sanay na sanay magpaputok; Coco waging-wagi sa 'Batang Quiapo'

Ivana Alawi at Coco Martin

HINDI namin pinalalampas ang bawat episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment dahil maganda ang kuwentong umeere ngayon at mabilis ang pacing.

Bilang bagong role ngayon ni Coco Martin as Tanggol ay ginawa siyang hitman ni General Espina played by Jaclyn Jose kasama si Ivana Alawi as Bubbles na itinutumba ang mga salot sa lipunan.

Maganda ang tandem nina Tanggol at Bubbles sa action scenes kaya naman naging hot topic ito sa social media ng mga sumusubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Base sa napanood namin ay mukhang marunong naman talagang bumaril si Ivana lalo’t caliber .45 ang ginamit niya na kapag hindi ka sanay ay tatalsik ka at mabigat ito kapag sa isang kamay mo lang hawak.

Baka Bet Mo: Kim, Jerald sanay na sa lock-in taping pero napapraning pa rin kapag nagpapa-swab test

Inamin din naman ito ng dalaga base sa panayam niya sa “TV Patrol” kamakailan.

Aniya, “Hindi madali pero I’m very thankful kasi I’m supported by such a strong team. Tsaka may training talaga, hindi naman nila ako sinabak na ganun lang. May mga training din.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Komento ng YouTube user na si @vlogbagam9079, “Solid yung team up nila, di ko alam na ganun kaangas si Ivana pag aksyon, upgraded din cinematography sa action scenes.”

Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

“Ai wow gusto ko yong action na pinalipad si bubbles habang nakipaglaban, in fairness magaling din to c Ivana maging ka tandem na action star galing, palakpakan,” sabi ni @romelaauxtero8346.

“Galing ng tandem nila ni tanggol. the best tlga batang quiapo,” post ni @creslove sa TikTok.

Kaya naman abut-abot ang pasasalamat ni Coco sa mga manonood ng “FPJ’s Batang Quiapo” para sa maganda nitong performance sa online viewership at sa rating charts sa primetime TV.

“Sobrang thankful talaga sa buong team kasi lahat kami nagpapakapagod. Sulit ‘yung hirap kapag nakikita mo gabi-gabi na tinatangkilik ‘yung pinaghihirapan niyo at nararamdaman mo ‘yung pagmamahal ng mga Pilipino, napakasarap sa pakiramdam,” say ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, gabi-gabi itong napapanood sa ganap na 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending