John Wayne Sace nanawagan kay Coco Martin, bet mapasali sa 'Batang Quiapo': Sana maaalala niya ulit | Bandera

John Wayne Sace nanawagan kay Coco Martin, bet mapasali sa ‘Batang Quiapo’: Sana maaalala niya ulit

Reggee Bonoan - October 13, 2023 - 05:18 PM
John Wayne Sace nanawagan kay Coco Martin, bet mapasali sa 'Batang Quiapo': Sana maaalala niya ulit

SA pamamagitan ng “Julius Babao Unplugged” YouTube channel ay nanawagan si John Wayne Sace na sana muli siyang maalala ni Coco Martin para mapasama sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sinadyang dalawin ni Julius Babao ang aktor sa bahay nila sa Pasig City kung saan siya lumaki kasama ang kanyang lolo, tiya, tiyo at mga pinsan.

Hindi na kapiling ni John Wayne ang ina na ayon sa kanya ay walong taon na niyang hindi nakikita dahil may sarili na itong pamilya sa Amerika. Bihira naman din silang magka-usap at ayaw na rin niyang istorbohin.

Aminado ang binata na wala siyang trabaho ngayon at nabubuhay sa paabot-abot ng kanyang tiya kapag nakakaluwag-luwag. Ang pag-arte ang alam niya na pagkakakitaan kaya naghihintay siya ng tawag at kahit anong role ay tatanggapin niya.

“Sa ngayon talaga sir (Julius) wala, wala ring manager.  Ang huli ko sir ‘yung kay Kuya Coco. Role ko kontrabida pinakontak niya ako isa sa mga staff niya kay kuya Louie sa Instagram,” sambit ni John Wayne.

Ginampanan ng aktor ang karakter na Omar at gusto niyang paghigantihan si Coco as Cardo Dalisay sa paniniwalang ito ang pumatay sa mag-ina niya nang i-hostage sila.

Sa tanong ni Julius kung gaano katagal si John Wayne sa “Ang Probinsyano” at bakit hindi na na-renew, “nasa 10 months din po.  Wala naman kasi talaga akong kontrata ro’n, tinulungan lang ako ni kuya (Coco), e, patapos na rin yata ‘yung Probinsyano no’n, ako na lang yata ang hinihintay (napangiti).  So, nu’ng natapos siyempre gumawa siya ng Batang Quiapo siyempre kauumpisa palang.  Sana maaalala niya ulit.”

Sabi naman ni Julius, sana ay mapanood ni Coco ang panayam nila sa kanyang YT at kontakin ulit ang aktor.

“Oo si kuya pa, (alam ko) busy lang ‘yun, eh,” saad ni ni John Wayne.

Naging masaya raw siya sa taping ng “Ang Probinsyano”.

Baka Bet Mo: John Wayne tinangkang magholdap noon: Pero hindi kinaya ng kunsensiya ko

“Kulitan hindi naman maiwasan na magkaroon ng pikunan kasi pagod kayo pero kasama ‘yun. Hindi naman laging masaya, di ba?  Lock-in po ‘yun kasi (panahon) ng Covid, may mga nakakalusot.  Pero sa awa ng Diyos sa lahat ng test ko do’n, hindi ako nag-positive,” pagbabahagi ni John Wayne.

Well-loved naman ng mga kapitbahay si John Wayne pati ng kanyang mga ka-lugar sa Pasig dahil pawang magaganda ang sinasabi sa kanya ng mga matatandang nakausap ni Julius kung ano ang pagkakakilala nila sa aktor.

Biniro ni John Wayne ang isa na, “mandurukot” pero kaagad itong itinanggi ng lolang may edad na. Hindi raw dahil mabait na bata ang aktor at hindi naiwasang may mga pagkakamali sa buhay pero past na iyon at importante ay ang kasalukuyan at future.

May nagsabi pa na kahit hindi nagbebenta ng ulam ang isang tindahan doon kapag nakita ang aktor na naglalakad ay inaabutan nila ng pagkain. 

Nakita rin sa video na may matandang babaeng basa o kaliligo lang na nakikinig at nanonood sa panayam sa aktor na biglang inaabutan ng tinapay at maging si Julius ay binibigyan din.

Kaya ang tanong ni Julius, ‘sino siya?’

“Ah si Ate Amparo po kapitbahay namin, may dagat kasi sa likod kaya naligo (biro ng aktor).  Bata palang po ako lagi na siyang nandito nu’ng buhay pa si lola (inaabutan ulit ng tinapay) hanggang sa tumanda ako,” lahad ni John Wayne.

“Ganyan lang siya minsan nagwawalis-walis dito. Hindi ko alam kung ilang taon na pero maliit pa po ako nandito na ‘yan.  Kita nyo nga ang buhay, ‘yung mga kasabayan niya may mga pera, lahat ‘yun wala na pero siya kita ninyo naman, still alive and kicking.”

Samantala, ramdam namin sa panayam ni Julius na sana bigyan ng pagkakataong magkaroon ulit ng trabaho si John Wayne dahil bukod sa kailangan niya ay gusto pa niyang matuto pagdating sa pag-arte.

“Kasi kung pupunta ka sa set bilang artista magsasawa ka, kaya ako nu’ng pagbalik ko dito sa Probinsyano ay bilang aktor kasi iyon ang forte ko.  Gusto ko marami pa kaong matutunan kasi alam ko (kulang pa),”paniniwala ni John Wayne.

Inamin din ni John Wayne na nasa drug list siya at pumirma siya kaya talagang iniwasan na niya ang bisyo.  Tsansa ang hinihingi na mabigyan siya ng trabaho sa showbiz para mabuhay niya ang sarili at matulungan ang lolo at kaanak na kumukupkop sa kanya ngayon.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aktor na si John Wayne Sace sugatan; kaibigan patay sa pamamaril dahil sa droga

John Wayne Sace takot na takot nang mapasama sa drug watchlist: Napraning ako kasi nagkakapatayan na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending