Ogie Diaz pinag-iisipan pa kung tatanggapin ang offer ni Coco na maging kapatid ni Joel Lamangan sa 'Batang Quiapo' | Bandera

Ogie Diaz pinag-iisipan pa kung tatanggapin ang offer ni Coco na maging kapatid ni Joel Lamangan sa ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan - October 11, 2023 - 07:14 PM

Ogie Diaz pinag-iisipan pa kung tatanggapin ang offer ni Coco na maging kapatid ni Joel Lamangan sa 'Batang Quiapo'

ANG tarush ng kilalang talent manager-host at content creator na si Ogie Diaz dahil sa nakaraang ABS-CBN Ball 2023 ay bigla siyang sinabihan ni Coco Martin ng, “Kapatid ka ni Roda.”

Ang karakter na Roda sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay ginagampanan ni Direk Joel Lamangan na sobrang matapobre at ganid sa pera at siya rin ang dahilan kung bakit nakulong si Tanggol kasama ang mga kaibigan dahil pinagbintangan niyang nanloob sa bahay niya at sinasaksak siya.

Si Tanggol ay si Coco na siya ring bida at direktor ng “Batang Quiapo” bukod pa sa pagiging producer nito.

Napanood namin ang video ng “Showbiz Update” nina Ogie at Mama Loi kasama si Ate Mrena na in-upload sa YouTube channel nila ngayong hapon na sinabihan ni Coco ang una na “kapatid ka ni Roda.”

Kaya naman kaagad naming tsinat ang talent manager kung ano ang final answer niya sa alok ni Coco na mag-guest siya sa “Batang Quiapo” bukod dito at binanggit naming tawa kami nang tawa habang nanonood kami kasi ang saya-saya ng episode nila.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: ‘Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya, wa echos…hindi ko sasabihing beh buti nga’

Ito rin ang tanong ni Mama Loi sa kanya sa vlog nila at sagot nga ng talent manager-comedian ay pinag-iisipan niya kasi baka hindi niya kayanin ang call time na 5 a.m..

Tinawagan kami ni Ogie pagkatapos namin siyang i-chat, “San parte na ‘yang pinapanood mo?” tanong kaagad ni Ogie na tila gustong makasiguro kung pinapanood nga namin talaga ang “Showbiz Update” kasi sabi namin ay “di pa ako tapos manood.”

Anyway, tinanong nga namin kung ano ang desisyon niya sa “Batang Quiapo”, “Hindi naman ako inalok,” saad ni Ogie.

Sabi namin, ‘yung sinabihan ka ni Coco na “kapatid ka ni Roda” ay alok na ‘yun.  Si Coco kasi ganyan ‘yan kinakaswal niya pero ‘yun na ‘yun.

“Sabi nga ni Ma’am Charo (Santos-Concio) ‘wag ko raw tatanggihan, umoo na ako, pagkadiin-diing sabi sa akin.

“Iniisip ko kasi nga ang aga ng call time (5 a.m.), e, baka hindi ako magising (kasi nagba-vlog sila ng 3 a.m.). Though puwede namang i-adjust ‘yung taping namin (Showbiz Update), gawin namin sa hapon kasi may lakad kinabukasan.

“Pero gusto ko ‘yun kasi kailangan ng memorya, para hindi tayo magkaroon ng alzheimers kaya nga ang mga matatandang artista tumatanggap pa rin kasi gusto nilang mahasa pa memorya nila, pansin mo ang babata pa ngayon may mga dementia na? Kailangan talagang maging aktibo ang utak natin,” katwiran ni Ogie.

Naikuwento rin kasi ni Mama Loi nu’ng nag-guest sila ni Dyosa Pockoh sa “BQ” ay alas-singko ng umaga ang call time nila na inakala na pagdating nila ro’n ay nagkakabit palang ng set iyon pala kumpleto na lahat at nakapag-almusal at make-up na ang iba.

Maaga kasi talaga ang simula ng trabaho ni Coco kasi maaga rin ang pack-up niya at ayaw niyang abutin ng mahigit sa 16 hours dahil wala na raw siyang mapipiga pa sa artista kapag inabutan na ng sikat ng araw.

Tsika pa ni Ogie, “Kapatid kaya ni Lou Veloso ako?”

Sabi namin na parang hindi naman kailangan ni Lou sa karakter na Noy ng kapatid. Mas kailangan ni Roda para may kahuntahan siya sa bahay dahil mag-isa na lang siya ngayon mula ng manakawan at masunugan na ngayon ay sa bahay nina Pen Medina at Susan Africa siya tumutuloy bilang isinanla naman sa kanya ito na ginamit sa debut ni Lovi Poe as Mokang.

“Oo nga, isipin ko pa talaga. Paano kaya tono ng boses ko? (sabay ginaya boses ni Lou,” natawang sabi ni Ogie.

Dagdag pa, “Nakakahiya sa mga talents ko baka isipin dapat sila ang ibinebenta ko (hinahanapan ng trabaho), mas inuna ko pa sarili ko.”

Giit namin, “hindi ka naman nagprisinta, sinabihan ka kaya tanggapin na.”

“Isipin ko talaga,” sabi ulit ni Ogie.

Sabi namin, ‘yung iba ay gustung-gustong mapabilang sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil para sa kanila kapag napanood sila sa number 1 primetime series ng Kapamilya network at base na rin sa result ng AGB Nielsen, ay kumpleto na ang career nila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz sa sunud-sunod na pagkakadeklara ng persona non grata kay Pura Luka Vega: Sana lahat din ng politicians, God-fearing and hate corruption

Ogie Diaz sa patung-patong na reklamo laban kay Jeffrey Oh: Sana malusutan niya ‘yung pinagdaraanan niya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending