Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: ‘Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya, wa echos…hindi ko sasabihing beh buti nga’
KASALUKUYANG nakakulong sa Quezon City Jail Ligtas Covid Center Quarantine Facility, sa Payatas, QC ang dating brodkaster na si Jose “Jay” Sonza dahil sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment.
Noong Hulyo 18 ay pinigilan si Jay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA Terminal 3 patungong Hongkong at hindi siya pinayagang makalabas ng bansa dahil sa pending estafa case.
Maraming kasamahan sa media ang nagulat sa nangyari kay Jay at marami ring naawa dahil nga sa edad niya ngayon ay heto’t hihimas pa siya ng malamig na bakal.
Base sa mga nabasa naming komento sa social media ay maraming galit sa nasabing brodkaster dahil nga sa napaka-vocal nitong magbigay ng kanyang saloobin sa lahat ng isyu at naging personalan pa umano ang bira nito sa mga kasamahan din sa industriya.
Isa na ang kilalang TV personality, talent manager at content creator na si Ogie Diaz na ilang beses pinintasan ni Jay dahil magkasalungat ang kanilang opinyon.
Pero kahit na ganu’n ang ginawa ni Jay kay Ogie ay nag-post ngayong hapon ang huli na nalungkot siya sa nangyari sa beteranong brodkaster para sa mga anak at apo nito.
Ni-repost ni Ogie ang larawang kuha ng Philippine Defense Forces Forum sa FB page nito na nakasuot ng kulay kahel na shirt si Jay na may nakalagay na NBI Detainee at haggard looking na halatang hindi nakapag-ahit ng ilang araw.
Ang caption ni Ogie, “Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya. Wa echos.
Baka Bet Mo: Aiko Melendez, Jay Khonghun napag-uusapan na ang kasal; kering-keri ang LDR ngayong eleksyon
“Si Mel Tiangco naman po (ang alam ko) ay wala nang kaugnayan sa kanya, kaya ‘wag n’yo na pong idikit ang name ni Tita Mel sa kanya.
“Parang kelan lang kung laitin ng taong ito ang mga di lang sumasang-ayon sa takbo ng pag-iisip niya.
“Grabe rin niya akong laitin. Ang pangit ko daw. Bayaran daw ako. Pero sinasagot ko din siya. Di pwedeng manahimik, lalo na’t nilalait na ang pagkatao ko ni Mr. Sonza.
“Anyway, will pray for your inner peace, Mr. Sonza. Sana, malampasan mo ang mga pagsubok.
“Hindi ko sasabihing beh buti nga o deserve mo yan. Mas gusto kong ipagdasal ang paghilom ng kanegahan sa puso mo. At sana ay magsilbing lesson ito sa tuluyan mong pagbabago.
“Kahit matanda na po kayo, kaya pang magbago basta bukal sa puso ang acceptance, realization at ang sabi nga ng matatanda, tumanda nang may pinagkatandaan,” litanya ni Ogie.
Maraming nag-like at natawa sa post na ito ni Ogie at karamihan sa mga nagkomento ay sumang-ayon sa mga naging pahayag ng talent manager.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Jay o ng kampo niya tungkol sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.