Aiko Melendez, Jay Khonghun napag-uusapan na ang kasal; kering-keri ang LDR ngayong eleksyon | Bandera

Aiko Melendez, Jay Khonghun napag-uusapan na ang kasal; kering-keri ang LDR ngayong eleksyon

Ervin Santiago - April 03, 2022 - 06:40 AM

Aiko Melendez at Jay Khonghun

Aiko Melendez at Jay Khonghun

LDR o long distance relationship ang peg ngayon ng award-winning actress na si Aiko Melendez at ng boyfriend niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.

Tumatakbong kongresista ngayon si Jay sa unang distrito ng Zambales habang kandidato naman si Aiko sa pagkakonsehal sa 5th district ng Quezon City.

Halos five years na rin ang relasyon nina Aiko at Jay at marami ang umaasa at nagdarasal na sana’y pang-forever na nga ang kanilang pagmamahalan.

Nakachikahan namin kamakailan si VG Jay sa White Rock resort sa Subic, Zambales at doon nga namin kinumusta ang relasyon nila ni Aiko ngayong super busy sila sa pangangampanya at hindi masyadong nagkikita. Wala bang selosang nagaganap?

“Siyempre, yung trust sa isa’t isa, siyempre, marami siyang nakikilala every day. Marami rin akong nakikilala everyday.

“Pero siyempre, as time goes by, yung trust namin sa isa’t isa…so, yun ang importante. Alam ko na wala siyang gagawin na mao-offend ako, or masasaktan ako. At alam din niya na wala rin naman akong gagawin para ma-offend siya o saktan siya,” pahayag ng public servant.

Sey pa ni VG Jay, marami na rin silang pinagdaanan ni Aiko pero lahat daw ng mga pagsubok na ibinigay sa kanila ay napagtagumpayan nila.

“Nalagpasan na namin yun. Kasi dati, may mga selos-selos pa, e. Halimbawa, may makita ka lang na kausap niya, medyo seselos. Ngayon, wala nang ganu’n, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


“Nagseselos siya kapag may dapat pagselosan. Pero siyempre, pag wala naman, hindi din. Saka hindi ko naman siya bibigyan ng pagkakataong magselos. Kasi, respeto ko rin naman sa kanya yun,” paniniguro ng vice-governor.

Sundot na tanong namin kung napag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal, “Of course, we’ve talked about it. Hindi na kami bumabata. Love ko naman ang mga anak niya, sina Andrei and Mimi.”

Sa mga hindi pa aware, si Andrei ay anak ni Aiko kay Jomari Yllana habang si Mimi o Marthena ay anak niya sa kanyang second husband na si Martin Jickain.

“Mimi is very close to me, close din naman sa akin si Andrei. Si Aiko din naman, close sa family ko and father ko, sobra.

“Actually, tingin ko nga, mas love siya ng tatay ko kesa akin, di ba?! My dad is very concerned, lalung-lalo na sa pagtakbo rin ni Aiko.

“Kasi siyempre, gusto ni Daddy na manalo rin si Aiko. So, si Daddy, laging nagtatanong, how’s the campaign ni Aiko sa Quezon City.

“Kasi, she’s been running independent. Wala siyang mayor, wala siyang congressman. Sarili kaming kayod sa Quezon City. That’s why I’ve been helping her, I’ve always been there for her.

“Kasi nga, every step of the way, siyempre, she’s been out of politics for a long time. Nine years. She’s been out of politics for nine years.

“So, maraming nagbago. Minsan tinatanong niya ako kung ano ang sistema ngayon, kung ano ang gagawin ngayon. Siyempre, every politics is local. So, bakbakan,” aniya pa.

Samantala, inisa-isa rin ni VG Jay ang mga qualities na nagustuhan niya sa aktres, “Aiko is down-to-earth. Diretsong magsalita, ganu’n din kasi ako, walang bolahan. At saka kasi, si Aiko, mabait.

“Mabait siya sa akin. Mabait siya sa family ko. Walang masamang tinapay sa kanya. Alam niyo ‘yan. Kapag kaibigan niya kayo, ilalaban niya kayo at saka, we’ve been through a lot na. At the lowest point of my life, andun siya. Kasama ko siya, hindi niya ako iniwan,” pahayag pa ni Jay.

Naikuwento, rin ni Vice Governor Jay ang ginawa niyang pa-surprise kay Aiko sa grand rally nito noong Marso 26, sa Quezon City. Talaga raw naglaan siya ng oras para suportahan ang kanyang partner.

“E, baka magtampo sa akin, e. Kasi siyempre, ako ang number one supporter nu’n at saka vice versa din. Kasi, umuuwi ‘yan dito para ikampanya ako.

“So siyempre, support lang kaming dalawa. Nagpunta ako kagabi kasi big event niya. Nagpunta din sina Ate Yayo (Aguila), si Gelli (de Belen), si Wendell (Ramos). Nandu’n sila,” aniya pa.

Hindi ba naging issue sa kanila na pareho silang tumatakbo ngayong 2022 elections? “Hindi naman. Kasi, we have our own career talaga na we are two separate individuals.

“Na very opinionated and everything. May kani-kanya kaming career na kailangan naming harapin, alagaan. Ahm, she loves Quezon City District 5 so much. I love Zambales, and the first district of Zambales and Olongapo City so much.

“Yung career naman naming dalawa, hindi naman dependent sa isa’t isa, but nagtutulungan kami,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/286499/enchong-sumugal-sa-shrimp-farm-business-erich-ilang-beses-na-ring-nasaktan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309091/bea-handa-nang-magpakasal-kay-dominic-kung-magpo-propose-siya-siyempre-magye-yes-ako
https://bandera.inquirer.net/295502/angeli-khang-bibida-sa-mahjong-nights-suportado-ng-ina-sa-pagpapa-sexy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending