Mayor Albee hindi dyowa si Ivana; nali-link kay Angeli Khang

Mayor Albee hindi dyowa si Ivana; nali-link naman ngayon kay Angeli Khang

Ervin Santiago |February 10,2024
facebook
share this

Mayor Albee hindi dyowa si Ivana; nali-link naman ngayon kay Angeli Khang

Ervin Santiago - February 10, 2024 - 09:46 AM

Mayor Albee hindi dyowa si Ivana; nali-link naman ngayon kay Angeli Khang

Angeli Khang, Mayor Albee Benitez, Ivana Alawi

NAKAKALOKA! Center of attraction ngayon at usap-usapan ng mga Marites ang businessman-politician na si Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Ito’y matapos ngang ikabit ang kanyang pangalan sa Kapamilya sexy actess na si Ivana Alawi na umano’y magkasamang nagbakasyon recently sa Japan.

Pero base sa impormasyon na nakarating sa amin, wala raw bahid ng katotohanan ang tungkol sa sinasabing relasyon daw nina Mayor Albee at Ivana.

Ayon sa aming source, hindi si Ivana kundi ibang sexy star daw ang kasama ng alkalde sa kanyang recent trip at hindi raw ito nangyari sa Japan.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Hindi raw totoong si Mayor Albee ang tinutukoy ni Ivana na bago niyang boyfriend sa kanyang mga interview. Wala raw talagang namamagitan ngayon sa dalawang personalidad.

Baka Bet Mo: Allan K nagka-girlfriend noon sa Bacolod: What if kung totoo ngang may anak ako, ‘di ba?

Baka raw napagkamalan lang ng mga saksi na si Ivana ang kasama ng alkalde at negosyante pero ayon sa source isa ring sexy star mula sa Vivamax ang nakasama umano ni Mayor Albee sa kanyang pagta-travel kamakailan.

Ang tanong: true nga kaya na ang Vivamax Queen na si Angeli Khang ang tinutukoy na mestisang babae na nali-link ngayon sa businessman-politician?

Aminin kaya ni Angeli ang tungkol sa chikang ito? Siya nga kaya ang babaeng nakitang kasama ni Mayor sa pagliliwaliw sa ibang bansa? Bukas ang BANDERA sa magiging statement ng sexy actress.

Ano naman kaya ang mase-sey ni Mayor Albee sa komento ng mga netizens na talbog pa niya  ang mga matinee idol sa showbiz dahil sa mga nali-link sa kanya na mga sexy star?

Sa mga hindi pa aware, knows na ng mga taga-showbiz si Mayor Albee dahil siya ang may-ari ng Brightlight Productions ngunit sa ngayon ay hindi na ito masyadong active sa operasyon ng kumpanya.

Ang chika, balak daw niyang magtayo ng bagong entertainment production. Posible kayang mag-venture na rin siya sa pagpo-produce ng pelikula? Well, abangers na lang tayo sa susunod na kabanata!

Nauna nang naglabas ng official statement ang alkalde hinggil sa pag-uugnay sa kanila ni Ivana.

“In my private capacity as a film and TV program producer, my professional interaction with various celebrities is inherent to the nature of the business.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At this moment, my primary focus is on safeguarding the interests of Bacolod City,” pahayag ni Mayor Albee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending