Allan K nagka-girlfriend noon sa Bacolod: What if kung totoo ngang may anak ako, 'di ba? | Bandera

Allan K nagka-girlfriend noon sa Bacolod: What if kung totoo ngang may anak ako, ‘di ba?

Ervin Santiago |December 28,2021
facebook
share this

Allan K nagka-girlfriend noon sa Bacolod: What if kung totoo ngang may anak ako, ‘di ba?

Ervin Santiago - December 28, 2021 - 08:15 AM

Allan K

INAMIN ng TV host-comedian na si Allan K na totoong nagkaroon siya ng girlfriend sa Bacolod noong medyo bata-bata pa siya.

Sa Christmas episode ng “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga,” diretsahang sinabi ng veteran comedian sa kauna-unahang pagkakataon na nagkadyowa siya noon na ang pangalan ay “Emma.”

Nagkuwento si Allan K tungkol dito nang pahulaan sa contestant ng “Bawal Judgmental” kung sino sa mga Dabarkads ang nagka-girlfriend na may pangalang “Emma.”

Ayon sa komedyante, sa pagkakatanda niya nakilala niya si Emma noong maging singer siya ng isang banda sa Bacolod. Hindi pa raw lantad ang pagiging bading niya that time.

View this post on Instagram

A post shared by @allan_klownz


Habang nagkukuwento si Allan K, biglang ipinakita sa screen ang kanyang throwback photo kung saan may bigote pa siya.

“Siyempre kapag singer ka maraming nagkaka-crush sa ‘yo,” sabi ni Allan.

At dito na nga niya nabanggit na dyinowa niya si Emma para itago ang kanyang pagiging bading. Pero nang tumagal ay nagkalayo rin sila hanggang sa tuluyan nang mawalan ng komunikasyon.

Pagkalipas daw ng mahabang panahon, may isang psychic daw na nakausap ang komedyante na nagsabi sa kanya na meron siyang anak.

Isa lang daw ang naisip ni Allan na posibleng naanakan niya — si Emma. At kung totoo ngang  nagkaroon siya ng anak sa dating girlfriend na taga-Cebu, handa raw siyang panagutan ito kung mapatutunayan na siya talaga ang tatay.

Ayon sa “Eat Bulaga” host, matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Sa katunayan, naisip na raw niya noon ang mag-ampon.

Sabi pa ng komedyante, “What if kung totoo na may anak ako, ‘di ba? Siyempre dugo ko ‘yan.”

Kasunod nito, nanawagan ang stand-up comedian kay Emma na  mag-usap sila kung nagkaroon nga sila ng anak at ipa-DNA test ito para masigurong siya nga ang ama.

Sabi pa ni Allan K, kung totoong nabuntis at nagkaanak sila ni Emma, baka raw 30 years old na ang kanilang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by @allan_klownz

Allan K mas kumapit pa kay Lord nang bagyuhin ng pagsubok: Hindi niya ako iniwan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending