Ivana mamimigay ng all-expense paid trip sa SG para sa Eras Tour

Ivana mamimigay ng ‘all-expense paid trip’ sa Singapore para sa Eras Tour

Ervin Santiago |February 21,2024
facebook
share this

Ivana mamimigay ng ‘all-expense paid trip’ sa Singapore para sa Eras Tour

Ervin Santiago - February 21, 2024 - 08:10 AM

 

Ivana mamimigay ng 'all-expense paid trip' sa Singapore para sa Eras Tour

Taylor Swift at Ivana Alawi

ANG bongga ng bagong paandar ng Kapamilya sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi para sa kanyang mga fans at social media followers.

In-announce ng YouTuber na pipili siya ng isang lucky Taylor Swift fan na makakatanggap ng all-expense paid trip sa Singapore para sa “Eras Tour” ng American singer-songwriter.

Ibinandera ni Ivana sa kanyang Instagram account ang guidelines at requirements para maka-join sa kanyang pa-contest.

“Once in a lifetime opportunity mapanood si Taylor Swift tapos all expense paid and VIP ticket pa,” simulang pahayag ni Ivana.

Baka Bet Mo: MTRCB nangatwiran sa panawagan ni Bong na isaalang-alang ang kapakanan ng mga ‘no work, no pay’ staff ng ‘Showtime’

Bukod nga sa VIP ticket, ang maswerteng mananalo ay makakatanggap ng airplane ticket, food allowance, at hotel accommodation sa Singapore.

At bukod dito, makakasama siya mismo ni Ivana sa panonood ng “Eras Tour” sa Singapore.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


“Lahat ay libre ang iisipin mo nalang ay pag vivideo mo at ang pag eenjoy mo habang nanunood ng idol natin na si Taylor Swift,” sey pa ng dalaga.

Baka Bet Mo: Andrea gustong kainin dahil sa paandar na OOTD sa concert ni Taylor Swift

Paalala pa ni Ivana sa lahat ng sasali sa magaganap na raffle kailangan meron siyang valid passport, mag-share ng kanyang announcement video, at i-follow ang lahat ng kanyang social media accounts (Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube).

Kailangan din nilang ilagay ang kanilang favorite Taylor Swift lyrics sa comments section ng kanyang video.

“Napakadali wala kayong kailangan gastusin o bilihin. All you have to do is share this video and put your favorite Taylor Swift lyrics.

“Example ng akin, I was enchanted to meet you. I love you Ivana. Ganu’n! Kung ano man gusto niyo sabihin,” aniya pa.

Sa February 22 magaganap ang announcement ng lucky winner na pipiliin sa pamamagitan ng randomizer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magaganap ang “Eras Tour” ni Taylor sa  Singapore sa March 2, 3, 4 & 7, 8, at 9, 2024 sa National Stadium, Singapore.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending