Andrea gustong kainin dahil sa OOTD sa concert ni Taylor Swift

Andrea gustong kainin dahil sa paandar na OOTD sa concert ni Taylor Swift

Ervin Santiago |February 13,2024
facebook
share this

Andrea gustong kainin dahil sa paandar na OOTD sa concert ni Taylor Swift

Ervin Santiago - February 13, 2024 - 12:15 AM

Andrea gustong kainin dahil sa paandar na OOTD sa concert ni Taylor Swift

Andrea Brillantes

BENTANG-BENTA na naman ang naisip na paandar ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa pagsugod niya sa Japan para sa “Eras Tour” ni Taylor Swift.

Pinag-usapan at kinaaliwan ng mga netizens ang napiling OOTD ni Andrea para sa panonood niya ng concert ni Taylor.

Nag-share ang dalaga ng ilang pictures na kuha sa venue ng “Eras Tour” concert ng international singer sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang nakakaloka niyang outfit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Nagmumura ang suot niyang French fries OOTD with matching bag pa na itsurang burger

“I know I had the best day with you today. Taylor Swift + My Sisters + Tokyo = best day,” ang nakalagay sa caption ng kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna proud maging ‘Swiftie’, mamimigay ng Taylor Swift concert tickets

Naging emosyonal din si Andrea pati na ang kanyang mga sisteraka nang makita na nila nang personal si Taylor Swift sa stage habang kinakanta ang kanyang mga hit songs.

Pero ang talagang umagaw sa pansin ng mga netizens ay ang pasabog na OOTD ni Andrea at karamihan sa mga nagkomento sa kanyang post ay nagsabing parang “ang sarap mong kainin.”

Narito ang ilan sa reaksyon ng mga IG followers ni Andrea.

“Parang gusto kong kumain ng French fries and burger!”

“Cute French fries!”

“Ay teka lang. Baka naman pwede mahiram ito. Eme lang!”

“Supper pretty na fries yan”

“Ang gandang Fries naman ni Blythe.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


“Apaka cute na fries na naglalakad.”

Baka Bet Mo: Chiz ‘nahawa’ na kay Heart, pak na pak ang pagiging fashionista sa Paris: ‘Told you it was the NEW ERA!’

“OMG HI! We met before the show. I just wanted to say that I’m so happy you’re wearing my bracelet! Thank you!”

“Kung nasa harap to matic manonotice to ni @taylorswift pustahan!”

“Why fries?? para surprise. cute cute ng Baby queen B nmen kaya.”

“Ito talaga yung inaabangan ko na kahit story lang dahil di ka naman madamot ayun binusog mo mga mata namin tiktok, ig plus fb page iloveyou blythe enjoy sa japan bebe girl namin uwi kana agad may nalulungkot dito ”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang witty ng outfit! expect the unexpected.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending