Marian umariba ulit sa TikTok, naglabas ng ‘clothes transformation’

Marian Rivera umariba ulit sa TikTok, naglabas ng ‘clothes transformation’, kumasa sa bagong dance challenge

Pauline del Rosario |August 27,2023
facebook
share this

Marian Rivera umariba ulit sa TikTok, naglabas ng ‘clothes transformation’, kumasa sa bagong dance challenge

Pauline del Rosario - August 27, 2023 - 06:19 PM

Marian Rivera umariba ulit sa TikTok, naglabas ng ‘clothes transformation’, kumasa sa bagong dance challenge

PHOTO: Screengrab from TikTok/@marianrivera

KINARIR na talaga ng aktres na si Marian Rivera ang pagiging TikTok Queen!

Naglabas nanaman kasi siya ng mga panibagong entry sa nasabing video-sharing app.

In fairness, talagang pumapatok sa maraming netizens ang mga video ni Marian kasi milyon-milyong views pa rin ang nahahakot niya.

Isa sa mga latest uploads niya ay ang astig niyang “clothes transformation.”

Mapapanood na nakaupo lang si Marian sa isang sofa habang naka-pajama at ilang galaw-galaw lang niya ay isa-isa nang nag-iiba ang kanyang outfit.

Baka Bet Mo: Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Caption pa diyan ng aktres, “Preparing for my next dance challenge! Sinong excited?”

@marianrivera Preparing for my next dance challenge! Sinong excited? 🙋🏻‍♀️ #MarianRivera #dancechallenge ♬ original sound – MarianRivera

Kahit simple lang ang ginawa ni Marian, marami ang napa-wow sa kanyang video at umaani na ito ng 4.5 million views sa Tiktok.

Sa follow-up post ng Kapuso Primetime Queen, sinorpresa niya ang fans ng panibagong dance challenge.

Ang kanyang ikinasa ay ang 2009 hit na “Sabay Sabay Tayo!”

Sey niya sa post, “Getting so many requests for this dance challenge! Tara na.”

@marianrivera Getting so many requests for this dance challenge! Tara na #SabaySabayTayo #MarianRivera #fyp #DanceTrend #DanceChallenge ♬ Sabay Sabay Tayo – MarianRivera

Umulan ng komento sa bagong nauusong dance craze ni Marian at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“IBA TALAGA ANG ISANG MARIAN RIVERA [smiling face with heart eyes emoji] NEW DANCE CRAZE IS WAVING!!”

“Omg iconic talaga tong sabay sabay Tayo naalala ko naga ka platinum at golden award to [heart emoji]”

“Slayyy madam Marian Rivera [fire emoji] walang kakupas-kupas! [red heart emojis]”

Wala pang isang araw ang naturang video ni Marian pero umaani na ito ng mahigit 17.4 million views!

Bukod diyan, marami ring nagre-request na gawin naman daw ni Marian ang Marimar dance.

Pagbibigyan kaya niya ito? Nako, malalaman natin sa mga susunod na pasabog ng batikang aktres sa Tiktok.

Magugunitang nagsimulang mag-trending si Marian sa TikTok matapos kumasa sa dance challenges na “Price Tag” at “It’s Plenty.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Ai Ai kinarir ang immersion para mas maging epektib ang role bilang nanay na may isip ng 7-years-old

Xian nganga sa lato-lato challenge, Kim iba ang gustong makalaro: ‘Pa mine po…yung naka-black!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending