Ai Ai kinarir ang immersion para mas maging epektib ang role bilang nanay na may isip ng 7-years-old | Bandera

Ai Ai kinarir ang immersion para mas maging epektib ang role bilang nanay na may isip ng 7-years-old

Ervin Santiago - April 11, 2022 - 04:55 PM

Shayne Sava at Ai Ai delas Alas

KINARIR nang bonggang-bongga ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang paghahanda para sa isa na namang challenging role na ipinagkatiwa sa kanya ng GMA 7.

Ito ang Kapuso family drama na “Raising Mamay” kung saan gumaganap si Ai Ai bilang isang nanay na may isip ng pitong taong gulang na bata.

In fairness, puring-puri ng mga bossing ng Kapuso Network ang veteran comedienne pati na ng  members ng entertainment media nang ipalabas ang teaser ng serye sa naganap na virtual mediacon kahapon, April 10.

Sabi ni Ai Ai, worth it ang pagbabalik niya sa Pilipinas mula sa Amerika para gawin ang “Raising Mamay” dahil napakaganda daw talaga ng kuwento nito at magagaling lahat ng co-stars niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Super happy and touched nga si Ai Ai nang marinig ang mga papuri sa kanya ng GMA executives, ng entertainment writers at ng direktor nilang si Don Michael Perez.

Mismong si Direk Don Michael na ang nagsabi na makakalimutan ng mga manonood si Ai Ai sa “Raising Mamay” dahil ang magmamarka sa kanila ay ang karakter ng komedyana sa serye.

“Kaya niyang mag-shift from late 40-years old sa pagiging bata. Ang hirap noon dahil sobrang polarized yung spectrum na kailangan niyang gampanan.

“Ang nakakatuwa kay Miss Ai, kapag nasa set kami, hindi siya bumibitaw, so kahit hindi take, kinakausap niya kami bilang bata dahil in character siya palagi,” pahayag ng Kapuso director patungkol kay Ai Ai.

In fairness, talagang nag-effort ang komedyana sa paghahanda para mas maging effective ang pagganap niya bilang isang nanay na may isip ng pitong taong gulang, kabilang na ang immersion.

Nakipag-usap, nakipagkuwentuhan at nakipagkulitan ang komedyana sa mga bata sa pamamagitan ng Zoom kaya talagang na-perfect niya ang pagsasalita pati ang pagkilos ng isang 7-year old girl.

Todo rin ang pasasalamat ni Ai Ai sa GMA dahil sa kanya ibinigay at ipinagkatiwala ang isa sa pinaka-challenging role na ginampanan niya sa ilang dekada niya bilang artista.

“Ang palabas na ito ay hindi lamang kukurot sa inyong puso at tatawa at iiyak ng balde balde, ito din po ay mag bibigay ng aral sa ating lahat na ang pag mamahal ng ina sa anak at ang anak sa ina ay walang kapantay,” mensahe pa ni Ai Ai.

Makakasama rin ng Comedy Queen sa “Raising Mamay” sina Shayne Sava, Abdul Raman, Gary Estrada, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion at marami pang iba. Mapapanood na ito simula sa April 25.

https://bandera.inquirer.net/283765/ai-ai-sa-pagiging-single-mom-noon-isa-yun-sa-pinakamahirap-na-moment-sa-buhay-ko

https://bandera.inquirer.net/308022/kahit-hindi-na-magkaibigan-ai-ai-hiling-pa-rin-ang-paggaling-ni-kris-god-bless-her

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294203/ai-ai-gerald-tuloy-na-ang-pagtira-sa-us-balak-ding-magbuntis-sa-pamamagitan-ng-surrogacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending