Xian nganga sa lato-lato challenge, Kim iba ang gustong makalaro: 'Pa mine po...yung naka-black!' | Bandera

Xian nganga sa lato-lato challenge, Kim iba ang gustong makalaro: ‘Pa mine po…yung naka-black!’

Ervin Santiago |June 27,2023
facebook
share this

Xian nganga sa lato-lato challenge, Kim iba ang gustong makalaro: ‘Pa mine po…yung naka-black!’

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 11:02 AM

Xian nganga sa lato-lato challenge, Kim iba ang gustong makalaro: 'Pa mine po...yung naka-black!'

Xian Lim at Kim Chiu

KUMASA ang Kapuso actor at director na si Xian Lim sa usung-uso ngayong “lato-lato” challenge.

Sa kanyang Instagram account, makikita ang ipinost na video ng boyfriend ni Kim Chiu nitong nagdaang June 24, kung saan makikita ang paglalaro niya ng kontrobersyal na “lato-lato.”

Aliw na aliw ang mga netizens sa pagta-try ng aktor na ma-perfect ang paglalaro ng hot toy ngayon na tinawag niyang “Gym version lato-lato” pero hindi nga niya nito makuha-kuha ang tamang beat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)


At dahil nabigo nga sa kanyang attempt, gumawa na lang si Xian ng edited version kung saan na-perfect na niya ang tamang beat.

Sandamakmak na reaksyon ang nakuha ng IG post ni Xian, kabilang na riyan ang nakakalokang comment ni Kim na nagpakilig sa mga fans at netizens.

Baka Bet Mo: Maymay may bagong post kasama ang dyowa, netizens napa-‘sana all’

“(laughing-crying emoji) pa mine po ng black! Yung naka black! (black heart emoji)” ang maikli ngunit punumpuno ng kilig vibes na sabi ni Kim.

Narito naman ang mga nakakawindang na hirit ng mga IG followers ni Xian sa double-meaning na komento ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Yours napo sya. love you both as always.”

“Iyong ito na po.”

“Check out mo na at para madeliver na agad.”

“Ayieee kilig naman ako sa inyo.”

“Of course i know that you’re referring to the ManInBlack!! don’t worry Kimmy! mrRightXian is definitely YOURS!!”

“Yours na po paki screenshot na lang 123 321.”

Camille Prats apektado sa ‘crying video’ ni Maxene Magalona: It’s OK not to be OK all the time

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carmina game na game na nakipag-duet kay Darren, pinuri ng netizens: ‘Maganda rin pala ang boses niya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending