Kim Chiu pinaghirapan nang bonggang-bongga ang pagpapatayo ng vacation house: 'Isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko' | Bandera

Kim Chiu pinaghirapan nang bonggang-bongga ang pagpapatayo ng vacation house: ‘Isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko’

Ervin Santiago |June 13,2023
facebook
share this

Kim Chiu pinaghirapan nang bonggang-bongga ang pagpapatayo ng vacation house: ‘Isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko’

Ervin Santiago - June 13, 2023 - 07:37 AM

Kim Chiu pinaghirapan nang bonggang-bongga ang pagpapatayo ng vacation house: 'Isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko'

Si Kim Chiu at ang bago niyang vacation house

TALAGANG pinaghirapan at pinag-ipunan ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu ang pagpapatayo ng bago niyang bahay-bakasyunan.

Hindi binanggit ni Kim kung saan ito located pero aniya, malamig daw sa nasabing lugar kaya gustung-gusto niyang nagpupunta roon kasama ang kanyang pamilya.

Kung ang pagbabasihan ay ang background sa picture ng bahay ni Kim na ipinost niya sa kanyang Instagram account, mukhang nasa Tagaytay ito o sa Baguio City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Napakarami kasing pine trees sa labas ng vacation house nina Kim na may malawak na garden at malaking swimming pool.

“Basta, malamig siya. Malamig yung lugar,” ang chika ni Kim sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner.

“Sobrang saya, kasi isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko na magkaroon ng vacation house. Para rin sa papa ko, kasi kailangan niya ng fresh air, ganyan. And then, para na rin sa mga kapatid ko,” sabi ng dalaga.

Baka Bet Mo: Belle Mariano hindi makapaniwalang itatayo na ang dream house: Still pinching myself!

Sa tanong kung may bago ba siyang  investment o negosyo pagkatapos gumastos nang bonggang-bongga para sa ipinagawang vacation house, “Ako ngayon, hindi naman ako super-yaman. Parang isa-isa lang muna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Saka, I also have a bag business ngayon, ‘yung House of Little Bunny. Naisip ko, palaguin muna ‘yung business ko,” kuwento pa niya.

Samantala, masasabing isa si Kim sa pinakamatagumpay na young actress ngayon at mukhang stable na rin siya financially, emotionally at spiritually.

Kaya naman ang palaging tinatanong sa kanya ng members ng media ay kung kailan naman nila ile-level up ang mahigit 10 taong relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Diretsahang tanong kay Kim, hindi ba siya nape-pressure na halos lahat ng mga kasabayan niya sa showbiz ay may sarili nang pamilya.

“Mas kabahan kayo kapag nabuntis nang hindi pa ikinakasal. Ha-hahaha! Matakot tayo ru’n,” ang natatawang biro ni Kim.

Chito jackpot kay Neri: Pinaghirapan ko lahat kung bakit ko siya napasagot at kung bakit niya ako pinakasalan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine Lustre tutol sa ipapagawang tulay sa Siargao: Secret Beach should be preserved!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending