Willie tumigil muna sa pagte-taping ng Wowowin sa GMA 7; bumili ng 2 chopper | Bandera

Willie tumigil muna sa pagte-taping ng Wowowin sa GMA 7; bumili ng 2 chopper

Cristy Fermin - September 07, 2019 - 12:35 AM

WILLIE REVILLAME

Mahaba-haba ang pahinga ni Willie Revillame dahil ginagawa ang studio ng kanyang programang Wowowin. Sa September 24 na uli sila magte-taping, pero wala sa bokabularyo ng aktor-TV host ang salitang pahinga, para siyang magkakasakit kapag wala siyang ginagawa.

Punumpuno pa rin ang kanyang maghapon, nakikipag-meeting siya sa produciton staff ng kanyang show, nakikipagkita rin siya sa mga engineer na namamahala sa mga ipinagagawa niyang bahay, para rin siyang hindi napahinga, palagi siyang hands-on sa kanyang mga ipinagagawang proyekto.

Ipinababago niya uli ang design ng kanyang resthouse sa Puerto Galera, nagpadagdag pa siya ng mga kuwarto para sa kanyang staff, kapag nagpupunta du’n si Willie ay bitbit niya ang kanyang mga tauhan sa Wowowin.

Napapalibutan ng white sand ang kanyang bahay-bakasyunan, sa Australia pa nanggaling ang buhanging ibinubuhos du’n, talagang ginagastusan niya ang resthouse na hindi niya parerentahan kundi para lang ‘yun sa kanya at sa production staff ng Wowowin.

Nagpapalipad din siya ng chopper, may student license na siya, dalawang helicopter ang binili niya para magamit sa kanyang pagpapalipad at kung merong rerenta ay puwede rin naman.

Kuwento ni Bern, ang kanyang make-up artist, “Ako ang napapagod kay kuya! Maisip ko pa lang ang mga ginagawa niya, e, parang ako ang nakakaramdam ng pagod.

“Nakakahiyang maging tamad, kasi, ang sipag-sipag ng boss namin! Siya ang lalaking walang pahinga!” tumatawang kuwento ni Bern.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending