Choi Woo-shik, Park Bo-young magpapakilig sa Valentine’s Day, bibida sa serye
GUSTO niyo bang kiligin and at the same time ay ma-inspire sa Valentine’s Day?
Huwag palampasin ang upcoming romantic series ng Korean stars na sina Choi Woo-shik at Park Bo-young na pinamagatang “Melo Movie.”
Saktong-sakto ‘yan sa tamang timpla ng kilig at tawa na ipapalabas na mismo sa February 14, exclusively sa Netflix.
Ang serye ay isang kwento ng paghahanap ng pag-ibig at pagtupad ng mga pangarap habang naghi-heal mula sa mga nakaraang sugat.
Perfect ito para sa mga gustong ma-inspire at tumawa kasabay ng mga relatable moments na swak sa kabataan ngayon.
Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Chikahan kasama ang buong cast ng ‘Incognito’
Narito ang synopsis na inilabas ng nabanggit na streaming service:
“Choi Woo-shik (A Killer Paradox, Our Beloved Summer, Time to Hunt, Parasite) portrays film critic Ko Gyeom, whose life takes an interesting turn upon meeting Kim Mubee, played by Park Bo-young (Daily Dose of Sunshine, Strong Girl Bong-soon).
“Mubee, whose name sounds like ‘movie’ is naturally curious about cinema and steps into the film industry out of a love-hate relationship with her father, who has always put film before her. The Ko Gyeom and Kim Mubee duo, with their contrasting personalities but common love for cinema, is set to be a focal point of the series.”
Bukod sa kakaibang kwento, pinangunahan ng isang powerhouse creative team at exceptional cast ang “Melo Movie,” kaya naman inaasahang magiging susunod itong hit pagdating sa K-Drama.
Sa katunayan nga, kahit hindi pa ipinapalabas ang series ay abot-langit na ang excitement ng fans!
Heto ang ilang comments na nabasa namin sa YouTube at Facebook:
“A series named MOVIE. interesting!! Cant wait for my cute and angsty couple to be in one frame.”
“They have great chemistryyyy!!!”
“Yay super excited !! Cant wait!!!!”
“AHHHHHH FINALLY Choi Wooshik has the leading role!!! “
“Ah, two of my favourites! Exciting.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.