WATCH, NOW NA: Chikahan kasama ang buong cast ng ‘Incognito’
NUMBER one ngayon sa Netflix ang latest Pinoy action series na “Incognito.”
Pero alam niyo ba, bago ito ipalabas ay nakachikahan ng BANDERA ang buong cast ng serye, kasama ang direktor na si Lester Pimentel Ong.
Sa panayam, Ibinahagi nila ang kanilang mga kwento at karanasan sa likod ng pinakabagong action project.
Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Ian Veneracion pinatunayang pak na pak na uli ang aksyon sa TV at pelikula
Ayon kay Direk Lester, ang kakaibang storya nito ay umiikot sa mundo ng private military contractors.
“Hindi sila mga sundalo, pero gumagawa sila ng military work. So parang sub-contractors sila,” paliwanag niya.
Patuloy niya, “It is something very interesting na hindi pa masyadong familiar ‘yung general public, so gusto namin ikwento ‘yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.