Marian Rivera excited na sa showbiz comeback

Marian Rivera excited na sa showbiz comeback, sino nga ba ang nais makatambal?

Pauline del Rosario |May 22,2023
facebook
share this

Marian Rivera excited na sa showbiz comeback, sino nga ba ang nais makatambal?

Pauline del Rosario - May 22, 2023 - 05:55 PM

Marian Rivera excited na sa showbiz comeback, sino nga ba ang nais makatambal?

PHOTO: Instagram/@marianrivera

SABIK na sabik na ang Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang pagbabalik telebisyon makalipas ang apat na taong pagpapahinga sa showbiz industry.

Kinumpirma niya ‘yan mismo sa naging interview ng entertainment portal na PEP.ph kamakailan lang.

Ayon pa nga kay Marian, naghahanda na siya sa kanyang bagong proyekto at aasahan daw na malapit na siyang masilayan ng kanyang fans.

Kwento ng aktres sa PEP.ph, “Actually, by next month pa, maghahanap pa kami ng cast. Excited kasi four years akong di nag-soap, e.”

“Very light lang ang story kaya excited akong gawin,” chika niya.

Patuloy pa niya, “Sabi ko, parang di ko yata kaya na drama agad, kasi magba-back to scratch na naman ako dahil mangangapa din ako. Ang tagal, four years.”

Natanong din siya ng nasabing entertainment website kung sino ang nais niyang makatrabaho mula sa Kapamilya network, lalo na’t nauuso na ang collaboration sa pagitan ng GMA at ABS-CBN.

Natuwa naman si Marian nang marinig ito, pero para raw sa kanya ay ang kanyang mister pa rin na si Dingdong Dantes ang nais niyang makatambal.

“E, di ang saya! Magkakasama ang lahat, malaki ang chances na magkakatrabaho ang ABS at GMA ngayon,” sambit niya.

Sey pa niya, “ABS? Sino ba bagay sa akin? Wag na ABS, si Dong na lang, kasi gusto kong bumalik yung Bonggang Villa namin, baka mangyari yan soon.”

“Ang daming trabaho ng asawa ko, e. Sana masingit pa niya yung Bonggang Villa namin,” saad pa niya.

Kung maaalala, noong Enero lamang ay ibinunyag ni Marian na may niluluto nang proyekto para sa kanya na nakatakdang ipalabas sa taong 2024.

Nabanggit pa ng aktres na bagamat looking forward siya sa kanyang showbiz comeback ay tiniyak pa rin niya na top priority pa rin niya ang kanyang pamilya.

Matatandaang taong 2018 pa nang huling gumanap sa isang teleserye si Marian bago niya isilang ang ikalawang anak na si Sixto.

Related Chika:

Taylor Swift excited na sa paglabas ng ‘Speak Now’ album sa July 7: ‘I cannot wait to celebrate it with you’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending