Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa Bandera

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Therese Arceo |June 28,2022
share this

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Therese Arceo - June 28, 2022 - 08:29 PM

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

ISANG video ang ibinahagi ni Antonette Gail sa social media kung saan makikitang nagtatakip ng mukha ang kanyang dyowang si Whamos Cruz.

Kasalukuyan kasi itong nagdadalangtao kaya naman nag-aalinlangan ang social media influencer na baka paglihian siya ng girlfriend.

Kaya naman naisipan ni Whamos na pabirong takpan ang kanyang mukha ng larawan ng award-winning actor na si Coco Martin.

“Sabi niya, ayaw niyang maging kamukha yung baby namin. Sa akin, okay lang yun kasi gift ni God sa amin yun at tanggap na tanggap ko kung ano ang magiging itsura ng anak namin kasi blessing yun from God,” saad ni Antonette sa video.

Dagdag pa niya, “Tsaka ang pogi naman si Whamos. Ano bang mali sa kanya? Mapayat lang talaga siya tsaka aanhin naman diba yung kapogian kung pangit naman yung ugali? Kaya mas lamang pa rin sa akin yung maganda yung kalooban, maganda yung ugali para mahalin ang isang tao.

Pero sa kabila nito ay nakakaramdam pa rin ng pag-aalala ang social media influencer sa kung ano ang magiging itsura ng kanilang baby pagkasilang nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Whamoscruz (@masterwhamos)

Kaya naman nag-ala Coco Martin ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng printed maskara na mukha ng aktor.

“Pag si Coco Martin pinaglihian mo, maniwala ka, ang tagal ng buhay ng anak natin,” pabirong saad ni Whamos.

Pero sa totoo lang ay mukhang malaki talaga ang worry ng social media influencer sa magiging itsura ng kanilang magiging ni Antonette.

Mula pa noong isapubliko nila ang pagbubuntis ni Antonette ay marami na ang nang-bash sa kanila dahil sa pisikal na itsura ni Whamos.

Maski si Xian Gaza ay nag-react at nanalangin na wag sana niyang maging kamukha ang anak.

Post ni Whamos, “Wag mo sana ako makamukha baby para di ka makaranas ng panlalait”.

Related Chika:
Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha

Awra Briguela may pasaring sa Twitter: Bagong Pilipinas, bagong mukha tapos Marcos, Duterte pa rin?

Alex Gonzaga nag-react sa ginawang pag-crop ni Luis sa kanyang mukha: Ginawa mo kong poster!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending