Alex Gonzaga nag-react sa ginawang pag-crop ni Luis sa kanyang mukha: Ginawa mo kong poster! | Bandera

Alex Gonzaga nag-react sa ginawang pag-crop ni Luis sa kanyang mukha: Ginawa mo kong poster!

Therese Arceo |December 23,2021
facebook
share this

Alex Gonzaga nag-react sa ginawang pag-crop ni Luis sa kanyang mukha: Ginawa mo kong poster!

Therese Arceo - December 23, 2021 - 11:47 AM

Alex Gonzaga nag-react sa ginawang pag-crop ni Luis sa kanyang mukha: Ginawa mo akong poster!

ALIW na aliw na naman ang netizens sa ginawang kalokohan ng TV host-actor na si Luis Manzano sa isa sa kanyang showbiz bestfriends na si Alex Gonzaga.

Sa latest post ni Luis sa kanyang Instagram ay ibinahagi nito ang mga mahahalagang babae sa kanyang buhay.

Kasama niya sa larawan ang inang si Vilma Santos-Recto, asawang si Jessy Mendiola-Manzano, at ang little sister na si Alex Gonzaga.

“Three of the ladies in my life. The little sis (Alex), the momski (Vilma), the wifey, wowow (Jessy).

Missing the little sis (Addie Manzano), the Nikoy (Nikki Gil), the bestfriend (Anne Curtis), the cuz sis (Carla Valeroso),” caption ni Luis.

Pero imbes na ma-touch ay tila iba ang naramdaman ni Alex sa post ng kaibigan.

“Tinapyas mo pa mukha ko ginawa mo ko poster ng teleserye!!” saad ni Mrs. Morada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Nag-comment rin si Jessy sa post ng kanyang asawa.

“Walanghiya ka, cinut mo si Cathy haha,” saad ni Jessy.

Reply naman ni Luis, “ganyan talaga mukha niya love, hati.”

Bumawi naman si Luis dahil sa 2nd photo ay buo na ang magandang mukha ni Alex.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa subtle pang-iinis ni Luis kay Mrs. Morada.

“Sa wakas, tinanggap na rin ni Luis na close sila ni Alex,” saad ng isang netizen.

“Hoooooy salbahe!” sabi naman ng isa pang netizen.

“Nasama ka sa picture Alex pero cinut ka nga lang at di ka pa minention. Awts,” sey naman ng isang netizen.

Nag-comment rin si Nikki Gil sa photo kung saan isa siya sa mga naka-tag.

“Wow… nakakabusog pala ‘yung mention lang! Okay lang na di naimbitahan sa Krismas pakain. Okay lang talaga. Eto kumakain naman ako dinner habang kaharap picture n’yo… sarap. Thank you ha!” comment ni Nikki.

Reply naman ni Luis, “Siyempre hiwalay dinner kasama ka kasi sayo may tf at honorarium.”

Marami naman sa mga netizens ang waiting sa magiging ganti ni Alex at for sure sasakit na naman ang tawa natin sa kakatawa sa kulitan at bardagulan nila.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Alex, Toni trending ang old photos; Luis ‘di pahuhuli sa pang-aasar sa bestfriend

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending