Alex, Toni trending ang old photos; Luis 'di pahuhuli sa pang-aasar sa bestfriend | Bandera

Alex, Toni trending ang old photos; Luis ‘di pahuhuli sa pang-aasar sa bestfriend

Therese Arceo |August 27,2021
facebook
share this

Alex, Toni trending ang old photos; Luis ‘di pahuhuli sa pang-aasar sa bestfriend

Therese Arceo - August 27, 2021 - 06:55 PM

TRENDING ang throwback photos ng magkapatid na Toni at Alex matapos itong i-post ng bunso sa kaniyang Facebook Official page.

Dalawang photo ang inupload ng dalaga na may caption na, “Mga batang musmos ni Pinty at Bonoy (laughing emoji)”

Sa isang picture ay all smiles ang dalagang si Toni samantalang wala namang kaemo-emosyon ang batang si Alex.

Sa isang photo naman ay all smiles pa rin si Toni samantalang tila pinanganga naman ng dentista ang peg ni Alex.

Marami ang nawili sa post ni Mrs. Morada na sa ngayon ay mayroon nang mahigit 473 thousand reactions at 3,928 shares.

Hindi naman papahuli ang celebrity bestfriend nito at number one alskador na si Luis Manzano at agad bumanat sa itsura ni Alex G.

“Cute ng kilay ni Catherine, parang nandun lang na wala rin naman (laughing emojis)” comment ng TV host-actor.

Marami naman ang natawa sa comment ng actor at nakigatong na rin sa pang-aasar kay Alex.

Isang netizen rin ang nagpost ng collage photo ni Alex at ang batang sumikat bilang pabebe warrior noon.

Nagkahawig ang dalawa dahil parehas silang may invisible kilay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noon pa man ay gawain na ng dalawa ang mag-asaran mapa-online or kahit sa tuwing magkasama. Tila ito ang love language nila sa isa’t isa.

Sa ngayon ay wala pang reply si Alex sa pang-iinis ni Lucky ngunit siguradong havey ang magiging banat nito aa kaibigan pabalik.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending