Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES | Bandera

Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES

Therese Arceo |February 15,2023
facebook
share this

Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES

Therese Arceo - February 15, 2023 - 05:10 PM

Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES
ROAD to forever na nga talaga ang samahan ng mga social media influencers na sina Whamos Cruz at Antonette Gail De Castro.

Ito ay matapos mag-propose ng lalaking vlogger sa kanyang girlfriend at ina ng kanyang anak na si Baby Meteor.

Ang naturang surprise proposal ni Whamos ay ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.

“Magpo-propose ako ngayong Valentines kay Antonette,” umpisa niya sabay pakita ng singsing na kanyang ibibigay sa dyowa.

Kuwento niya, apat na araw na niyang pinaplano ang surprise proposal katulong ang mga kaibigan nila na “Team Paangat”. Bagamat kinakabahan ay talagang nilakasan niya ang loob.

May paunang surprise si Whamos sa kanyang girlfriend gaya ng flowers at chocolates para hindi raw agad maghinala ito na may mas pasabog pa siyang surpresa para sa minamahal.

Pero bago pa man ang naturang proposal ng vlogger ay kinausap muna nito ang ina ni Antonette upang humingi ng permiso para kunin ang kamay ng kanyang anak sa pamamagitan ng video call.

“Mommy, kasi hihingin ko lang sana ‘yung kamay ni Antonette. Magpo-propose na sana ako ngayong araw. Okay lang ba sa’yo, Mommy?” tanong ni Whamos.

Agad namang pumayag ang ina ni Antonette at sinabing “Okay lang”. Dagdag pa niyo, “Full support ako dyan.”

Nagpasalamat naman si Whamos sa mommy ni Antonette dahil sa pagpayag at pagsuporta nito sa kanya.

Pagbaba nila ay ginawa muna nila ang kunyari laro upang ma-blindfold si Antonette at maisagawa nila ang surprise.

Habang itinururo ni Whamos ang mechanics ng game ay naghahanda na ang kanilang mga kaibigan sa set-up ng kanyang pagpo-propose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Antonette Gail Del Rosario (@aaaaagdr)

Matapos nilang mag-ayos ay pinatanggal na nila ang takip sa mata at nakita na niya ang set up at ang nakaluhod na Whamos.

“Sa dami ng mga pagsubok na dumaan sa buhay natin, sa dami ng… basta ang importante sa akin, mahal kita. Mahal ko si Meteor at kung anong meron tayong dalawa,” saad ni Whamos habang nakaluhod sa harap ni Antonette.

Hindi naman mapigilan ng huli ang sarili na maging emosyonal sa pagtatapat ng kanyang dyowa.

“Will you marry me?” sey ni Whamos na agad sinagot ng “Yes” ni Antonette.

Masayang masaya naman si Antonette at hindi makapaniwala sa mga nangyari.

“Hindi ko sasayangin ang binigay mong yes pangako,” caption naman sa post ni Whamos sa Facebook kalakip ang larawan nila kasama si Baby Meteor.

Mukhang matagal pa ang kanilang magiging kasal dahil ayon sa kanila ay pag-iipunan muna nila ito pero sinabi nilang beach wedding ang gusto nila kung sakali.

Related Chika:
Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Whamos Cruz, Antonette Gail ibinandera si Baby Meteor, sey ng netizens: Ang pogi naman!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending