Whamos Cruz binigyan ng malaking halaga ang 'long-lost father' para makapagpatayo ng salon | Bandera

Whamos Cruz binigyan ng malaking halaga ang ‘long-lost father’ para makapagpatayo ng salon

Ervin Santiago - October 16, 2023 - 07:28 AM

Whamos Cruz binigyan ng malaking halaga ang 'long-lost father' para makapagpatayo ng salon

Whamos Cruz at Joselito Achascoso

TINUPAD ng social media personality na si Whamos Cruz ang kanyang pangako sa isang lalaking taga-Bohol na kamukhang-kamukha niya.

Tinawag pa ni Whamos na “long-lost father” si Joselito Achascoso, 55 years old, dahil nga hindi nalalayo ang kanilang itsura kahit pa hindi naman talaga sila magkaanu-ano.

Hinanap ni Whamos si Joselito matapos itong mag-viral sa social media para kahit paano’y maabutan ng tulong. Naantig ang online influencer sa kuwento ng buhay ng kanyang kamukha.

Nang magkita sila nang personal kamakailan ay binigyan ni Whamos ng malaking halaga ng pera si Joselito para raw makapagpatayo ito ng sarili niyang salon.

Baka Bet Mo: Ivana tinupad ang pangako sa tindero ng puto’t kutsinta; ipinag-shopping nang bongga

Dinayo pa talaga ni Whamos si Joselito sa isang lugar sa Bohol para makilala ito nang personal at maibigay nga ang kanyang tulong at regalo para rito.

Bukod sa tulong pinansiyal, niregaluhan din ni Whamos ng iPhone at iba pang kagamitan ang kanyang long-lost father kaya naman abot-langit ang pasasalamat nito.

Hindi raw niya akalaing may darating na napakalaking blessing sa buhay niya lalo pa’t malapit na ang Pasko. Mensahe ni Joselito sa kanyang “anak”, “Salamat po. Alagaan mo sarili mo, Sir Whamos.

“Basta hindi ko makalimutan binigay mo sa akin. Salamat sa pagtuturo mo sa akin kung paano magpakumbaba,” dagdag pang sabi ni Joselito.

Nag-promise pa siya kay Whamos na hinding-hindi niya sasayangin ang lahat ng tulong at ayuda na ibinigay nito sa kanya.

Baka Bet Mo: Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Mangiyak-ngiyak naman si Whamos nang magkuwento si Joselito tungkol sa hirap ng kanilang buhay at sa mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan ngayon.

“Wala na akong mama saka mga tiyahin ko hindi nila matanggap na gumagala-gala ako. Palagi akong humihingi sa mga kapitbahay ng ulam, pambili ko ng bigas. Salamat po, Sir Whamos,” sabi pa ni Joselito.

Narito naman ang message ni Whamos sa kamyang “tatay”, “Sana ‘yung ibinigay ko sa iyo, puwede kang bumili ng gamit pang-salon mo para makapagsimula ka. Kahit konti at maliit na business para kahit paano may income ka.”

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang tunay na ama ni Whamos ay si Tikyo Cruz, na isang bit player noon sa mga pelikula. Isa sa mga nagawa niyang movie ay ang “Daddy’s Girl.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, isa pang babaeng netizen na kamukhang-kamukha ni Whamos ang pinuntahan at kinilala ng socmed influencer na tinawag naman niyang “long-lost sister.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending