Whamos Cruz may pinaglalaanang investment, nilinaw na hindi naghihirap: Galing na ako sa hirap at ayoko na ulit doon | Bandera

Whamos Cruz may pinaglalaanang investment, nilinaw na hindi naghihirap: Galing na ako sa hirap at ayoko na ulit doon

Therese Arceo |October 07,2023
facebook
share this

Whamos Cruz may pinaglalaanang investment, nilinaw na hindi naghihirap: Galing na ako sa hirap at ayoko na ulit doon

Therese Arceo - October 07, 2023 - 03:05 PM

Whamos Cruz may pinaglalaanang investment, nilinaw na hindi naghihirap: Galing na ako sa hirap at ayoko na ulit doon
ITINANGGI ng social media personality na si Whamos Cruz ang haka-haka ng mga netizens na nauubos na ang kanilang pera ng fiancèe na si Antonette Gail.

Marami kasi sa mga netizens ang nag-alala matapos mapanood ang kanyang vlog ang pagbebenta niya ng kanilang gintong alahas ng kanyang partner.

Chika pa ni Whamos sa naturang video ay kinakailangan nito ng “budget” ngunit hindi na nito idinetalye pa kung ano ang kanilang pagkakagastusan.

Ang tanging nasabi nito ay kailangan nila ng budget lalo na at nasa ospital si Antonette noong mga panahon na ‘yun matapos ang pagpapa-lipo.

Nasundan pa ang haka-haka ng madlang pipol nang mag-post si Antonette sa kanyang Facebook account ukol sa bahay nila ni Whamos sa Cainta, Rizal na kasalukuyang ibinibenta.

Sa kabila ng pagsasabi ni Antonette na nais nilang bumili ng bagong bahay kaya nila ibinibenta ang isa pang bahay ay marami pa ring mga komentong nauubos na ang pera ng dalawa dahil na rin sa pagpapa-lipo at panay pagta-travel.

Baka Bet Mo: Whamos Cruz nagbenta ng mga mamahaling alahas, pati bahay for sale na rin

Kaya naman nagsalita na si Whamos at pinabulaanan ang mga kumakalat na chikang naghihirap na sila kaya unti-unti na silang nagbebenta ng gamit.

Sey niya, ang mga pinagbentahan ng kanilang alahas ay panggastos sa bahay ngunit ang malaking porsyento nito ay para sa bagong investment.

“Kaya ko binenta ‘yon kasi nagpapalago at nagpapaikot at nagpapaikot at nagpapaikot pa kami ng pera. Ganoon ako mag-mindset,” pagbabahagi ni Whamos.

Bukod pa rito, ibinenta na raw niya ang mga alahas dahil nagsasawa na sila sa style kaya minabuti na lang niyang ibenta dahil paniguradong bibili rin naman sila ulit sa susunod.

“Soon, bibili uli ako ng gold. So, hindi kawalan sa akin na ibenta ko ‘yun,” sey pa ni Whamos.

Nanindigan rin siya na hindi sila naghihirap lalo na’t naranasan na niya noon ang walang-wala at ayaw na niyang bumalik sa ganoong sitwasyon.

“Siyempre galing na ako sa hirap at ayoko na ulit [bumalik] doon,” sabi pa ni Whamos.

Maging si Antonette ay pinabulaanan ang mga isyung ibinabato sa kanilamg mag-partner.

Related Chika:
Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending