Whamos Cruz nagbenta ng mga mamahaling alahas, pati bahay for sale na rin | Bandera

Whamos Cruz nagbenta ng mga mamahaling alahas, pati bahay for sale na rin

Therese Arceo |October 06,2023
facebook
share this

Whamos Cruz nagbenta ng mga mamahaling alahas, pati bahay for sale na rin

Therese Arceo - October 06, 2023 - 05:50 PM

Whamos Cruz nagbenta ng mga mamahaling alahas, pati bahay for sale na rin
USAP-USAPAN ngayon ang unti-unting pagbebenta ng social media influencer na si Whamos Cruz ng kanilang mga naipundar.

Kamakailan lang nang i-vlog niya ang kanyang pagbebenta ng mga ginto at diamonds na alahas kay Boss Toyo dahil nangangailangan raw siya ng pera.

“Hindi ko alam kung magkano tatawaran ni Boss Toyo… Actually kailangan na kailangan lang talaga namin ng budget ngayon kaya kahit ibaba namin ang presyo, ayos lang,” saad ni Whamos sa vlog niya noong October 2.

Nagtagumpay naman siyang maibenta ang mga alahas sa kaibigan ngunit hindi na nito idinetalye pa kung magkano ang kanilang napagkasunduang presyo.

“Hindi ganoon kalaki ‘yung presyo. Basta nabenta siya… Hindi siya gan’on kalaki. Hindi rin siya gano’n kaliit. Sakto lang. Pero ok lang atleast nabenta natin siya. Kailangan na kailangan lang talaga natin ng budget ngayon. Siyempre alam n’yo naman dahil nasa ospital rin si Antonette. Kailangan na kailangan rin namin ng pera,” sey pa ni Whamos.

At matapos nga ang pagbebenta ng mga alahas ay kasalukuyan namang for sale ang bahay nila sa Cainta, Rizal.

Baka Bet Mo: Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES

Ito ay base na rin sa post ng partner ni Whamos na si Antonette Gail del Rosario.

“FOR SALE. PM PO AKO DITO SA PROFILE KO. fully furnished,” saad ni Antonette.

Nilinaw naman ng partner ni Whamos na ang dahilan ng pgbebenta ng kanilang bahay sa Rizal ay dahil nais nilang bumili ng bagong bahay.

“rfs (reason for selling): Bibili kaming bagong bahay, wag po tayo maissue,” sabi pa ni Antonette.

Marami kasi sa mga netizens ang nagtataka kung bakit bigla na lang ang kanilang pagbebenta ng mga naipundar.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Whamos Cruz pumalag sa mga nanglalait sa pinamigay niyang food packs: Ang intensyon ko doon ay tumulong

Whamos Cruz, Antonette Gail kinuhang ninong ni Baby Meteor sina Cong TV at Junnie Boy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending