Whamos Cruz, Antonette Gail kinuhang ninong ni Baby Meteor sina Cong TV at Junnie Boy | Bandera

Whamos Cruz, Antonette Gail kinuhang ninong ni Baby Meteor sina Cong TV at Junnie Boy

Therese Arceo |February 25,2023
facebook
share this

Whamos Cruz, Antonette Gail kinuhang ninong ni Baby Meteor sina Cong TV at Junnie Boy

Therese Arceo - February 25, 2023 - 12:13 AM

Whamos Cruz, Antonette Gail kinuhang ninong ni Baby Meteor sina Cong TV at Junnie Boy
TALAGA namang mapapasabi ka na lang ng “Pawer!” dahil sa isa sa mga ninong ni Baby Meteor, ang anak nina Whamos Cruz at Antonette Gail.

Ibinahagi kasi ng vlogger sa isa sa kanyang mga Facebook post na isa sa mga kilalang personalidad sa mundo ng pagba-vlog ang pumayag na mag-ninong sa kanyang anak.

At ang kinausap ni Whamos ay walang iba kundi ang lider ng Team Payaman na si Cong TV pati na rin ang kapatid nitong si Junnie Boy.

Nagkaroon kasi ng pagkakataon ang mga vloggers na maglaro ng basketball sa Payaman Playhouse na pag-aari nina Cong.

Matapos nga ang kanilang paglalaro ay nahihiyang tinawag ni Whamos ang kapatid ni Cong na si Junnieboy upang tanungin kung pwede itong mag-ninong sa kanyang panganay na anak.

“Makakatanggi ba ako sa ‘yo? Bakit hindi di ba? Bawal raw tangggihan ‘yan kaya kahit gusto kong tumanggi, wala akong magagawa,” pabirong sabi ni Junnie.

Hirit naman ni Whamos, kaya niya kinuha si Junnie ay dahil gusto niyang kumuha ng pakimkim.

Sumunod niyang nilapitan si Cong TV at tinanong rin kung pwede itong maging ninong ni Meteor.

“Lista mo na. Anong gusto mong regalo?” tanong ni Cong kay Whamos.

Biniro naman niya ito na nais nito ng yate kaya naman sinabi niyang si Manny Villar na lang daw ang kuning ninong o ang iba pang mayayaman na negosyante sa Pilipinas.

At nitong Miyerkules, February 22, nag-upload si Whamos ng larawan nila ni Antonette kasama sina Cong at Junnie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Antonette Gail Del Rosario (@aaaaagdr)

“With kumpareng Junnie Boy at Cong TV,” saad ni Whamos sa caption.

Wala pa namang date kung kailan ang magiging binyag ni Meteor ngunit nitong linggo lang nang mag-celebrate ito ng kanyang 1st month.

Related Chika:
Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Whamos Cruz, Antonette Gail ibinandera si Baby Meteor, sey ng netizens: Ang pogi naman!

Vien Ilagan-Velasquez ng Team Payaman buntis na sa ika-2 anak: Ang galing ng semilya ni Jun-jun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending