Vien Ilagan-Velasquez ng Team Payaman buntis na sa ika-2 anak: Ang galing ng semilya ni Jun-jun! | Bandera

Vien Ilagan-Velasquez ng Team Payaman buntis na sa ika-2 anak: Ang galing ng semilya ni Jun-jun!

Therese Arceo |May 04,2022
facebook
share this

Vien Ilagan-Velasquez ng Team Payaman buntis na sa ika-2 anak: Ang galing ng semilya ni Jun-jun!

Therese Arceo - May 04, 2022 - 03:08 PM

Vien Ilagan-Velasquez ng Team Payaman buntis na sa ika-2 anak: Ang galing ng semilya ni Jun-jun!

MASAYANG ibinalita ng vlogger na si Vien Ilagan-Velasquez sa madlang pipol na ipinagbubuntis na niya ang ikalawang anak nila ng asawa at kapwa vlogger na si Junnie Boy ng Team Payaman.

Sa isang vlog nito na ipinalabas kahapon, May 3 ay ipinakita ng vlogger na sumubok siya ng halos 10 pregnancy test kits para makumpirma kung buntis nga ba siya dahil delayed na ang kanyang buwanang dalaw at madalas na raw ang pagkairita niya sa asawa lately.

“My God! Thank you, Lord!” hindi makapaniwalang saad ni Vien.

“Ang tagal naming hinintay to, as in. Ang tagal naming hinintay na magkaroon ng kapatid si Mavi,” masayang dagdag niya.

Noon pa man ay ipinapanalangin na nila na sana ay makabuo silang mag-asawa dahil nalulungkot siya sa tuwing makikita niyang mag-isang naglalaro ang panganay nilang si Mavi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vien Iligan – Velasquez (@vivieniligan)

“Apat na kami! Ang bilis! First try lang talaga kami kung makakabuo kami ulit. Kasi doble g pag-iingat talaga kami, as in. Grabe talaga yung family planning naming dalawa ni Jun-jun, kaya ang saya ko!” pagpapatuloy ni Vien.

Nagkaroon naman siya ng reveal noong nagbabakasyon silang pamilya sa Manila Ocean Park kasama ang iba pang mga kaanak.

Pabirong sabi ni Junnie, “Hindi pa kami nagha-honeymoon, buntis na! Magandang positive yan!”

Matapos ang pa-announcement ni Vien ay nagtungo naman sila sa clinic para magpa-ultrasound.

Matapos ang pagpapa-ultrasound ay ipinakita ng mag-asawa sa kanilang anak ang kanyang nakababatang kapatid.

Cute na cute naman ang naging reaksyon ni Mavi na halatang excited nang makita ang kapatid.

“So si baby daw ay 6 weeks and 6 days na… Nag-try kami, sabi namin, try namin kung makakabuo tayo. So nagbunga naman. Ang galing ng semilya ni Jun-jun! Happy! Ang saya. Ang saya talaga. We are Big 4 na talaga,” sey ni Vien.

Matatandaang nitong Marso ay nagpakasal na ang dalawa matapos na hindi matuloy noong Enero dahil na rin sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Congratulations on your second baby, Vien at Junnie!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jennylyn, Dennis ikakasal na; magkaka-baby na rin!

Cong TV, Viy Cortez magkaka-baby na!

Parokya ni Edgar, Agsunta, Cong TV itinangging parte ng UniTeam campaign rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending