Cong TV, Viy Cortez excited na sa kasal: Wala nang piglasan 'to!

Cong TV, Viy Cortez excited na sa kasal: Wala nang piglasan ‘to!

Ervin Santiago - June 13, 2024 - 07:35 AM

Cong TV, Viy Cortez excited na sa kasal: Wala nang piglasan 'to!

Cong TV at Viy Cortez

EXCITED na ang sikat na YouTube vloggers at magdyowang sina Cong TV at Viy Cortez sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Siyempre, ngayon pa lang ay abangers  na ang mga fans and supporters sa magiging wedding ng social media stars, feeling nila magiging bongga ang seremonya at reception.

Nag-post si Cong TV, o Lincoln Velasquez sa tunay na buhay, sa Instagram ng isang video na naglalaman ng mga naging kaganapan sa prenup shoot ng kanyang fiancée.

Baka Bet Mo: Cong TV nag-propose na kay Viy Cortez: Iniisip ko kung paano pero bahala na

Isinagawa ang prenup shoot sa isang  beach na kinunan ng Nice Print Photo. Ipinost ng kilalang photography and video company ang naturang video sa kanilang official social media pages.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viy Cortez (@viycortez)


“Wherever, whenever, through all seasons & the weather — @thecongtv & @viycortez show us that one thing will always remain constant: their love.

“Head on to YouTube of Cong Tv to watch the full prenup video. #PerfectCongViynation counting the days til the Big Day,” ang nakasulat sa kanilang IG post.

Dito mapapanood ang ilang bahagi ng naging conversation ng magdyowa habang ginagawa nila ang bonggang prenup video at kung gaano na sila ka-excited sa pagdating ng kanilang special day.

Baka Bet Mo: Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

“Kaunti na lang tapos wala nang piglasan ito,” ang pahayag ni Cong TV kasunod ng pagbabalik-tanaw sa ginawa niyang pagpo-propose kay Viy.

Pambubuking pa ng vlogger, biniro raw siya ni Viy noon na mag-propose na sa kanya habang wala pa siyang mga valid ID na isa sa mga requirement sa pagpoproseso ng marriage documents.

Maririnig din sa isang bahagi ng prenup video ang naging usapan at kasagutan ng future husband and wife sa tanong kung bakit pinili nila ang isa’t isa.

“Bakit ako love?.. Bakit ako?” tanong ni Viy kay Cong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cong TV (@thecongtv)


“Eh, ikaw unang nagchat eh. Joke lang,” natawang sagot ni Cong.

Patuloy niya, “Marami sagot diyan. Siyempre maganda ka. Siguro kung gusto mo malaman yung tamang sagot bakit ikaw, ang magandang tanong (diyan ay) ‘bakit tayo?’”

“Isipin mo bakit tayong dalawa tapos isipin mo lahat ang pinagdaanan natin throughout the years, nandoon yung sagot bakit tayo kasi perfect combination (tayo). Nandoon talaga. Promise,” sabi pa ni Cong TV.

Kasunod nito, ipinakita rin ang mga throwback ganap sa ilang taon nilang pagsasama kabilang na ang pagbibigay ni Cong ng flowers kay Viy kapag sinusundo niya ito mula sa trabaho gamit ang luma niyang motorsiklo.

Sabi naman ni Viy patungkol sa kanyang partner, “Pinakagusto ko kasi kung paano ka magisip, yung wisdom mo. Doon talaga ako nainlove kasi bago tayo magkita, magkacall lang tayo, magkachat tayo.

“Ayun talaga yung nagustuhan ko kasi balang araw ayun yung maituturo mo sa anak natin.

“Alam mo wala ako masyadong ikinakabahala sa future kasi alam ko ikaw yung partner ko,” tuluy-tuloy na sabi ni Viy.

Sabi naman ni Cong sa kanya, “Ako rin. Wala tayong hindi kayang dalawa.”

Ni-reveal din ni Viy sa video ang question na itinanong niya kay Cong bago pa sila maging magdyowa, “Ang hindi ko pa napo-post na ngayon lang nila malalaman ay (kung) nagpapa-apply ka ba ng ka-loveteam?”

“Tinatanong mo ba ako ngayon kung nag-aaply ka (ulit)?” sabi ni Cong.

“Hired na ba ako?” balik-tanong ni Viy.

“Overqualified pa. Tanggap na tanggap,” ang sagot naman ni Cong.

Halos isang dekada nang nagsasama sina Cong at Viy bilang partners. Isinilang ang first child nilang si Zeus Emmanuel Velasquez o Kidlat noong July, 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilala rin sina Cong TV at Viy bilan part ng Team Payaman sa YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending