Jennylyn, Dennis ikakasal na; magkaka-baby na rin! | Bandera

Jennylyn, Dennis ikakasal na; magkaka-baby na rin!

Therese Arceo |October 29,2021
facebook
share this

Jennylyn, Dennis ikakasal na; magkaka-baby na rin!

Therese Arceo - October 29, 2021 - 08:40 PM

 

Jennylyn, Dennis ikakasal na; magkaka-baby na rin!

MASAYANG ibinahagi ng Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa 24 Oras ang dalawang blessing ng longtime partners.

“We’re getting married!” sabay na saad ni Jennylyn at Dennis sa kanilang interview kay Nelson Canlas.

Long overdue na nga ang pagpapakasa ng Kapuso couple lalo na’t mag-iisang dekada na rin silang magkasintahan.

Kuwento ni Dennis, nangyari ang pagpo-propose niya kay Jennylyn sa kanilang bahay.

“Syempre gusto ko hindi na masyadong magarbo, sa panahon ngayon dapat maging praktikal. Ginawa ko ‘yung pinakasimple pero at the same time heartfelt pa rin,” kuwento ni Dennis.

Chika naman ni Jennylyn, wala raw siyang ka-alam alam na may pinaplano na ang kanyang longtime dyowa.

“Wala akong ka-ide-idea kasi dahil nga hindi ako masyadong bumababa ng bahay, sa first floor. Pero noong time na ‘yun sinabi sa akin ni Dennis na kailangan ko raw bumaba dahil may isyu-shoot daw kami na parang future message para sa aming future selves.

“Nagkaroon ako ng kutob noong nagsimula siya na magsalita kasi parang seryoso niya akong kinakausap tapos lumuhod,” kuwento naman ni Jennylyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Dito na nga na-curious si Nelson at itinanong kung buntis si Jennylyn.

“I’m positive,” pag-amin ni Jennylyn.

Ikinuwento rin ng aktres na nalaman niya ang kanyang pagdadalang-tao habang siya ay nasa lock-in taping ng “Love. Die. Repeat” na pagbibidahan nila ni Xian Lim.

Ito na rin ang kumpirmasyon sa lhat ng kumalat na balita ukol sa tunay na rason kung bakit kinakailangang i-pack up nang maaga ang nasabing taping para sa teleserye.

Hiling ng dalawa na sana ay pagbigyan sila ng Panginoon na magkaroon ng baby girl dahil parehas na silang may mga anak na lalaki sa mga dating karelasyon.

Ito nga ay sina Alex Jazz na anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia at si Calix Andreas na anak ni Dennis kay Carlene Aguilar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay wala pang detalyeng inilabas sina Jennylyn at Dennis kung kailan ang petsa ng kasal.

Samantala, mapapanood naman sa YouTube channel ni Jennylyn ang ginawang proposal ni Dennis.

Related Chika:
Dennis namanhikan na sa pamilya ni Jennylyn; aamin na kayang magkaka-baby na?
Jennylyn buntis na nga ba kaya papalitan sa ‘Love. Die. Repeat’ ng GMA?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending