Jennylyn buntis na nga ba kaya papalitan sa 'Love. Die. Repeat' ng GMA? Bandera

Jennylyn buntis na nga ba kaya papalitan sa ‘Love. Die. Repeat’ ng GMA?

Therese Arceo |September 29,2021
share this

Jennylyn buntis na nga ba kaya papalitan sa ‘Love. Die. Repeat’ ng GMA?

Therese Arceo September 29, 2021 - 08:02 PM

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

NAGLABASAN ang mga chika na diumano’y nagdadalang tao raw ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado at ang ama nga raw ay ang longtime boyfriend nitong si Dennis Trillo.

Ito nga ba ang sinasabi nilang “good news” para sa kanilang mga tagasuporta?

Kung totoo man ang balita ay talagang good news ito dahil matagal na rin namang magkarelasyon ang dalawa. Baka ito na ang simula ng panibagong chapter ng kanilang pagsasama.

Parehas naman nang may anak ang dalawa sa kanilang previous partners na sina Patrick Garcia at Carlene Aguilar.

In good terms rin ang kanilang anak sa isa’t isa na sina Calix Andreas at Alex Jazz. Kamakailan nga ay nag-post pa si Jennylyn ng larawan nilang apat noong i-celebrate nito ang 13th birthday ni Alex Jazz.

Meanwhile, usap-usapan rin ang latest post nito na “Sometimes things get complicated”, na may kasamang litrato nila ni Xian Lim mula sa upcoming Kapuso series nito na “Love. Die. Repeat.”

Dahil nga sa usap-usapan at mga blind item na nag-uugnay sa aktres patungkol sa diumano’y “pagbubuntis” nito ay may mga chika rin na baka palitan raw si Jennylyn sa nasabing serye.

Noong Setyembre 8 nang magsimula ang lock-in taping shoot nila para sa teleserye at sa Oktubre 2 pa nakatakdang matapos ngunit bigla itong na-pack up nang magkaroon ng medical emergency si Jennylyn.

Marami raw sa mga kasamang artista at mga staff ang nagulat dahil akala nila ay may nagpositibo sa COVID-19 sa kanila.

Ngayong linggo rin ay malalaman ang magiging desisyon ng management kung ipagpapatuloy pa ba ng mga artista at production team ang kanilang trabaho para sa teleserye.

Nakatakdang ipalabas sa first quarter ng susunod na taon ang 10-week miniseries na ito ng Kapuso network.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending