Alex Gonzaga nag-ala kasambahay kina Whamos at Antonette, netizens tawang-tawa | Bandera

Alex Gonzaga nag-ala kasambahay kina Whamos at Antonette, netizens tawang-tawa

Therese Arceo |March 16,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga nag-ala kasambahay kina Whamos at Antonette, netizens tawang-tawa

Therese Arceo - March 16, 2023 - 12:05 AM

Alex Gonzaga nag-ala kasambahay kina Whamos at Antonette, netizens tawang-tawa
NAG-ALA kasambahay ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga for a day sa social media couple na si Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay nakipagkulitan ang bunsong Gonzaga at nakigulo sa bahay ng social media couple at nakipagkulitan rin sa baby ng dalawa.

Habang inililibot ni Whamos ni Alex sa kanilang bahay ay nagkukwentuhan ang dalawa patungkol sa dating pamumuhay ng social media influencer.

Magkababayan pala ang dalawa dahil parehas silang nagmula sa Taytay, Rizal.

Kuwento ni Whamos kay Alex, noon raw ay nakatira lang sila sa pinagtagpi-tagping tarpaulin ngunit ngayon ay may sarili na tong bahay na napakalaki at napakaganda.

“Ang bahay namin dati, pinagtagpi-tagping tarpaulin. Ang bubong namin may yero pero hindi ganoon [katibay] tapos kahoy lang… tapos ang bahay namin nakatagilid,” pagbabahagi ni Whamos.

Napag-usapan rin ng dalawa ang madalas na pagpunta nila Alex sa Sitio Bayabas para mag-perform.

Super thankful naman si Whamos sa blessings na ibinigay ni Lord sa kanya.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

“Yung buhay ko dati tsaka yung buhay ko ngayonx, ang layo ng pinagkaiba. Binigay ni Lord to… lalo na pag dumadayo ako sa Sitio Bayabas,” sey ni Whamos.

Dagdag pa ni Alex na pupwedeng gawing inspirasyon ng mga kababayan ni Whamos dahil kung nakaya niyang umangat sa buhay ay paniguradong kaya rin ng mga ito.

Matapos ang kwentuhan ay pinuntahan na nila ang kwarto nila Whamos kung saan naroroon sina Antonette at baby Meteor.

As usual ay nilaro na naman ni Alex ang mga kagamitan na nakikita nito sa kwarto nila Whamos pagkatapos ay nagpaka-yaya kay Baby Meteor para padedehin.

“Parang hindi sasahuran to, e. Parang pang-150 a day,” biro ni Whamos.

Ganti naman ni Alex kay Whamos, “Alam mo kung anong nakuha lang sa ‘yo ng anak mo? ‘Yung last name mo.”

Pagkatapos ng pakiki-bonding niya kay baby Meteor ay nilinis naman nito ang mga feeding bottles ng anak nina Whamos at Antonette.

After nito ay nakipagkulitan na siya sa celebrity couple habang nagtutupi ng damit ng bata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Lumibot pa sila sa iba pang parte ng bahay ni Whamos at naglaro sa entertainment room.

Pagbalik nila sa kwarto ng Whamonette ay pinalitan naman ni Alex ng damit si Baby Meteor para patulugin ito at tinuloy ang pakikipagkulitan sa social media couple kung saan pinadede niya ang dalawa ng gatas na may halong malunggay.

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa kulitan nila at talagang may chemistry raw sa batuhan ng punchlines ang dalawang komedyante.

“Kahit ano pa ang sabihin ng iba Alex Gonzaga. ang isa pinaka successful na vlogger sa pilipinas just always keep entertaining us Ms. Alex nawawala stress ko sa work everytime nanunuod ako ng vlog nyo andito lang po kaming mga fans niyo lage nakasuporta sa inyo..God bless you po.”

Eto lang talaga ung vlogger na pinapanood ko hindi scripted at laughtrip. nakakawala ng stress kahit papano.”

“Palagi lang akong nkatawa talaga..nakakatuwa Po Sila at napakahumble lang kahit halos lahat nasa kanila lang…God bless You more, the 3 of you…Ma’am Alex, Sir Whamos, and Ma’am Antoinette…more power…”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending