Antonette Gail umalma sa akusasyong nauubos ang pera nila ni Whamos dahil sa kanyang pagpapa-lipo | Bandera

Antonette Gail umalma sa akusasyong nauubos ang pera nila ni Whamos dahil sa kanyang pagpapa-lipo

Therese Arceo |October 07,2023
facebook
share this

Antonette Gail umalma sa akusasyong nauubos ang pera nila ni Whamos dahil sa kanyang pagpapa-lipo

Therese Arceo - October 07, 2023 - 12:49 AM

Antonette Gail umalma sa akusasyong nauubos ang pera nila ni Whamos dahil sa kanyang pagpapa-lipo
PUMALAG ang social media personality na si Antonette Gail sa mga komentong unti-unti nang nauubos ang kanilang pera ng partner na si Whamos Cruz dahil sa kanyang pagpapa-lipo.

Ito ay nagsimula buhat nang ibahagi ni Whamos sa kanyang Facebook page ang pagbebenta niya ng mga ginto at mamahaling alahas nilang dalawa dahil nangangailangan daw ito ng budget.

Bagama’t walang ibinahaging dahilan kung bakit nagbenta ng alahas si Whamos ay nasabi nito ang tungkol pananatili ni Antonette sa ospital matapos ang kanyang surgery.

Dito nga nagsimulang magkomento ang netizens at sinabing masyado raw maluho ang partner ni Whamos at panay ang travel kaya unti-unti na raw nauubos ang perang ipon nila.

Agad namang nilinaw ni Antonette sa isang Faceboom post na may pinaglalaanan sila sa kanilang naipon na pera at sinabi ring pinaghirapan nilang dalawa kung anuman ang meron sila ngayon.

“Just want to clarify, hindi po porket may binebenta kami ibig sabihin nauubos na yung tinabi naming ipon dahil kaka RETOKE KO or kaka TRAVEL namin,” sey ng vlogger.

Baka Bet Mo: Whamos Cruz nagbenta ng mga mamahaling alahas, pati bahay for sale na rin

Dagdag pa niya, “Hindi naman po kami gagastos kung WALA KAMING EXTRA Guys, lahat po ng TAGUMPAY na ginagawa namin is pinaghihirapan naman po namin yun.”

Binalaan rin ni Antonette ang mga Facebook pages na nakakarami na sa pagkakalat ng mga maling balita ukol sa kanila.

Sa isa ring hiwalay na post ay pinalagan niya sa pamamagitan ng isang video ang netizen na nagsasabing inuubos niya ang pera ng fiancèe.

““Ang pera ni Whamos is pera ko. Ang pera ko is pera niya. Ang pera ni Meteor is kay Meteor lang ‘yun,” sey ni Antonette.

Dagdag pa niya, “Kung anuman ‘yung mga gastusin na binabayaran namin is pinaghirapan naman naming dalawa ‘yun.”

Nilinaw rin ni Antonette na hindi naman milyon ang nagastos niya sa kanyang pagpapa-lipo.

Related Chika:
Whamos Cruz nag-propose kay Antonette Gail: Hindi ko sasayangin ang binigay mong YES

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending