Ivana tinupad ang pangako sa tindero ng puto't kutsinta; ipinag-shopping nang bongga | Bandera

Ivana tinupad ang pangako sa tindero ng puto’t kutsinta; ipinag-shopping nang bongga

Ervin Santiago - March 21, 2021 - 09:45 AM

TINUPAD ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang pangako sa isang tindero ng puto’t kutsinta na nagpaiyak sa kanya sa ginawa niyang vlog kamakailan.

Kalat na ngayon sa social media ang mga litrato ni Ivana kung saan muli nitong nakasama ang nasabing street vendor na nakilalang si Joselito Martinez.

Makikita sa mga litrato na ipinost ng ilang netizens sa socmed ang Kapamilya sexy actress kasama si Mang Joselito habang nasa loob sila ng isang appliance center.

Bukod dito, may picture rin si Ivana na nakasakay sa isang motorsiklo na kuha sa isang motor shop at ang paniwala ng mga netizens, para kay Mang Joselito ang bibilhing motor ni Ivana.

May isa ring video na makikita sa socmed kung saan magkasama naman sina Ivana at Mang Joselito na kumain at masayang nagkukuwetuhan.

Kung matatandaan, iyak nang iyak si Ivana matapos makilala si Mang Joselito na buong-puso siyang binigyan ng pera at ng tinda nitong kutsinta nang magpanggap siyang pulubi sa latest vlog niya sa YouTube.

Na-touch ang dalaga sa kabaitan ng tindero kaya napahagulgol siya nang bonggang-bongga, “Sobrang bait n’yo. Tatay, pinaiyak niyo ako.”

Sagot naman ni Manong na tubong-Ormoc at kasalukuyang naninirahan sa Laguna kasama ang pamilya, “Ganyan talaga ako Ma’am ‘pag may nanghihingi ng tulong sa akin. Binibigyan ko.”

Nauna nang binigyan ng dalaga ng P20,000 ang street vendor kapalit ng limos nitong bente pesos sa kanya. Naiyak talaga ang tindero at todo ang pasasalamat kay Ivana.

Sabi ng aktres, itinuturing na niya ngayong tatay si Mang Joselito at dapat lang na suklian din ng kabutihan ang kadakilaan nito.

Sabi pa ng dalaga, napakarami niyang natutunan sa nasabing vlog na ite-treasure niya sa kanyang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending