Chel Diokno nag-react sa aksyon ng MTRCB sa eksena nina Vice at Ion sa 'Showtime' | Bandera

Chel Diokno nag-react sa aksyon ng MTRCB sa eksena nina Vice at Ion sa ‘Showtime’

Therese Arceo - August 02, 2023 - 09:38 PM

Chel Diokno nag-react sa aksyon ng MTRCB sa eksena nina Vice at Ion sa 'Showtime'
NAGPAHAYAG ng kanyang saloobin ang hulan rights lawyer na si Chel Diokno ukol sa isyung kinakaharap ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime“.

Sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) page ay nabanggit nito ang pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa programa dahil sa isang eksena sa segment ng “Isip Bata” kung saan makikitang nagkulitan sina Ion at Vice Ganda sa pagkain ng icing ng cake na “malaswa” raw lalo na’t may mga bata silang kasama sa naturang segment.

“Ano ang powers ng MTRCB? Sa PD 1986, may malawak itong authority na i-review, i-classify, at i-regulate ang pagpapalabas ng sine at TV programs,” panimula ni Atty. Chel.

“It can approve or disapprove programs it finds objectionable for being immoral, indecent, or contrary to law and/or good customs, among others. May administrative sanctions rin tulad ng fines, suspension, o cancellation ng permits at licenses,” pagpapatuloy ng abogado.

Ngunit giit ni Atty. Chel, hindi base sa personal judgement ng MTRCB ang mga naturang measure na sinusunod.

“Pero- hindi personal judgment ng nasa MTRCB ang measure. Sa batas, ang standard na dapat i-apply ay base sa “contemporary Filipino cultural values,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Chel Diokno ikinumpara kay Robin Padilla, hindi raw iboboto dahil hindi kasing gwapo ng aktor

Bukod pa rito, tila mayroong double standard ang mga Pilipino pagdating sa pagpapakita ng affection sa national TV.

“We see many forms of affection between heterosexual couples on TV, and never blink an eye. Iba ba talaga ang standard kung ano ang disente at katanggap-tanggap para sa madlang LGBTQIA+?” sey pa ni Atty. Chel.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang tweets ng abogado.

“Atty [Chel] may mali po ba na ipatawad sila diba po part po sya ng due process to explain their side, defend themselves and to prove na walang malices yung ginawa nila?” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “I agree. Kapag babae at lalaki ang nagsubuan ng icing on TV, walang issue. How discriminating naman! Kapag lalaki at babae ang nagpakita ng affection sa TV, okay lang pero kapag members ng LGBTQIA+, may pa-summoned agad.”

“Still mourning the fact that we wasted [Atty.] Chel,” sey naman ng isa.

Sa ngayon ay may mga nananawagan rin sa MTRCB na ipatawag ang mga magulang nito matapos ang naging biruang lambingan ng dating senador na si Tito Sotto at asawa nitong si Helen Gamboa noong nag-celebrate ito ng ika-44th anniversary ng “Eat Bulaga” sa kanilang bagong programa na “E.A.T”.

Ngunit sagot ni MTRCB Chair Lala Sotto, noon pa man raw ay ginagawa na ng kanyang mga magulang ang kanilang lambingan sa mga shows pero wala naman daw nagiging problema.

Related Chika:
Rendon Labador kay MTRCB Chair Lala Sotto: Tatay o Pilipinas?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending