Chel Diokno ikinumpara kay Robin Padilla, hindi raw iboboto dahil hindi kasing gwapo ng aktor Bandera

Chel Diokno ikinumpara kay Robin Padilla, hindi raw iboboto dahil hindi kasing gwapo ng aktor

Therese Arceo |May 07,2022
share this

Chel Diokno ikinumpara kay Robin Padilla, hindi raw iboboto dahil hindi kasing gwapo ng aktor

Therese Arceo May 07, 2022 - 12:32 PM

Chel Diokno ikinumpara kay Robin Padilla, hindi raw iboboto dahil hindi kasing gwapo ng aktor

TRENDING ngayon sa social media ang ilan sa mga kandidatong tumatakbo sa pagkasenador gaya nina Atty. Chel Diokno at aktor na si Robin Padilla.

Habang papalapit nang papalapit ang eleksyon ngayong Lunes, Mayo 9, ay mas lalong nag-iinit ang usapin kung sino nga ba ang dapat ibot ng mga madlang pipol.

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit pinagbabangga ng mga netizens ang mga track records ng mga kumakandidato para masuring maigi kung sino ang deserving sa kanilang boto.

At dahil nga nagkakalabasan ng mga nagawa maging ng mga plataporma, hot topic ngayon ang sina Atty. Chel at Robin dahil sa pagkakaiba ng mga ito.

Saad ng abogado, nasasaktan daw siya sa tuwing may nagsasabing hindi siya iboboto ng mga tao dahil hindi soya kasing gwapo ng aktor.

“Nahihiya po ako kay Sir Robin Padilla na kami’y pinagsasabong ng mga netizen. Pagdating sa appeal, totoong milya-milya ang lamang niya sa akin. Masakit lang pala pag may nagsasabing hindi nila ako iboboto dahil hindi ako kasing pogi… kahit aminado naman ako na totoo ito,” saad ni Atty. Chel sa kanyang Facebook post nitong Sabado, Mayo 7.

Aniya, hindi naman niya maaalis sa mga netizens ang magkumpara ng mga kandidato dahil bahagi ito ng proseso.

“Gayunpaman, hindi maaalis sa mga botante ang paghambingin nila ang kakayahan at track record ng mga kandidato. Bahagi ito ng proseso ng pagpili kung sino sa tingin nila [ang] karapat-dapat sa kanilang boto,” pagpapatuloy ni Atty. Chel.

Sey pa niya, anuman ang desisyon ng madlang pipol ay nasisiguro niyang nagkakaisa ang lahat na magkaroon ng tapat at makataong gobyerno.

“Sigurado naman ako na kahit sino sa amin ang napupusuan ‘yo, lahat tayo ay nagkakaisa sa layuning magkaroon ng tapat, makatarungan, at makataong gobyerno para sa lhat ng Pilipino,” dagdag ni Atty. Chel.

Nagsimula ang mga netizens na pagkumparahin ang dalawa matapos lumabas ang survey kung saan nanguna ang aktor na si Robin sa mga tumatakbong senador.

Marami ang nanawagan na sana ay huwag sayangin ng mga tao ang pagkakataon at isama rin sa kanilang listahan si Atty. Chel Diokno.

Isa ang abogado sa mga kumakandidatong senador sa ilalim ng senatorial slate ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Related Chika:
Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar

Jodi Sta. Maria, John Arcilla, Nadine Lustre nanindigan para sa mga dehadong Pinoy

Pokwang nagpakita ng suporta sa bet na senador; Sharon nagpasalamat sa mga tumututok sa ‘Ang Probinsyano’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending