Jodi Sta. Maria, John Arcilla, Nadine Lustre nanindigan para sa mga dehadong Pinoy | Bandera

Jodi Sta. Maria, John Arcilla, Nadine Lustre nanindigan para sa mga dehadong Pinoy

Reggee Bonoan - April 26, 2022 - 11:35 AM

Chel Diokno, Nadine Lustre at Jodi. Sta. Maria

VERY vocal si Jodi Sta. Maria kung sino ang mga iboboto niya sa May 9 elections at bilang Kakampink din ay isa na rito ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno na tumatakbong senador.

Tulad ni Heart Evangelista ay nagpahiwatig din ng suporta ang Kapamilya actress kay Atty. Diokno.

Tweet ni Jodi nitong April 24, “Hello Tay @ChelDiokno! Isa po ako sa mga CHEL-dren ninyo! Kailangan po namin kayo sa Senado.”

Ibinahagi nito na hawak niya ang malaking pamaypay na ang nakalarawan ay mukha ng kumakandidatong senador na tumakip sa mukha niya na ang kita lang ay ang mga mata, “CHELFan.”

Meron ding post na, “Hello Tay @cheldiokno! Isa po ako sa mga Chel-dren niyo” na may hashtag na #21cheldioknosasenado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Sa hiwalay na Instagram Story, nag-post si Jodi ng larawan ng “CHELFan” at flyer kasama ang caption na, “Sasamahan tayong maging liyamado ang mga dehado.”

Ni-repost naman ito ni Atty. Chel at ang caption niya ay, “Thanks for the support, Jodi! Malaki ang maitutulong nito sa hangarin nating magkaroon ng gobyernong tapat, at mapaabot sa bawat Pilipino ang access sa libreng serbisyong legal!”

Dagdag pa niya, “PS. Nagkakagulo mga CHELdren, ang sabi papunta na talaga tayo sa exciting part! Sama ako dyan ha!”

Tinutukoy ng human rights lawyer ang sikat na linya ni Jodi na, “Papunta na nga tayo sa exciting part!” mula sa teleserye na “The Broken Marriage Vow” bilang si Doc Jill.

Sa grand rally na ginanap sa Pasay, suportado rin ng aktor na si John Arcilla, ang best actor sa Venice Film Festival 2021 at bida sa pelikulang “Heneral Luna,” ang kandidatura ng abogado.

Ibinahagi ni Atty. Chel ang larawan sa kanyang Facebook page at sinamahan ito ng caption na, “Maraming salamat sa ating nag-iisang Heneral Luna, @johnarcilla , sa suporta at tiwala sa gobyernong tapat at makatarungan. Your speech last night was so moving. Maraming maraming salamat sa pagtindig!”

Ilan pa sa mga celebrities na sumusuporta sa senatoriable ay sina Nadine Lustre, Edu Manzano, Pepe Herrera at ang singer-composer na si Johnoy Dayao.

Kasama sa mga isusulong ni Atty. Chel kapag siya ay nanalo ang pagkaoon ng free legal consultation sa mga baryo o Free Legal Helpdesk upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

https://bandera.inquirer.net/305066/jodi-10-years-bago-nahanap-ang-tunay-na-ama-but-he-was-long-gone-na-he-passed-away-2001

https://bandera.inquirer.net/303073/jodi-inatake-ng-psychological-sepanx-after-ng-lock-in-taping-sa-baguio-nasa-real-world-na-ba-ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305984/diego-loyzaga-mukhang-naka-move-on-na-i-feel-like-a-new-me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending