Bea Borres nagpalaki ng boobs: Parang naging bastusin yung katawan ko
DIRETSAHANG inamin ng aktres at content creator na si Bea Borres na totoong nagpadagdag siya ng boobs sa edad na 19.
Gumawa ng TikTok video ang vlogger kung saan ipinagsigawan nga niya na sumailalim siya sa breast enhancement at wala raw siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya.
Nagsalita si Bea hinggil dito nang mabasa ang comment ng isang netizen sa isa niyang lumang video na nagsabing, “All this time akala ko totoo ung dibdib ni Ms. Bea.”
Ito naman ang naging sagot ng dalaga sa kanya, “No it’s not and I never denied it. In fact, I even answer questions so yes po. My dibdib — my girlies, it’s gawa. It’s 275 cc Mentor. I think Mentor yung brand ko.”
Baka Bet Mo: Bea Borres binidyuhan ng kapatid habang naliligo, ibinenta sa tropa
Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng mga kababaihang nais magpalaki ng dibdib, “Guys, if you’re planning to get breast surgery implants, make sure you have a boyfriend. I swear.
View this post on Instagram
“Make sure…that’s the advice I give talaga whenever someone asks me. My only tip is to have a boyfriend,” aniya pa.
Ibinahagi rin niya ang ilan sa kanyang realizations nang tumagal na ng ilang taon ang kanyang breast implants mula nang magpalagay siya noong 19 years old pa lamang siya.
“Make sure na you’re really sure with your size because it gets smaller and ako honestly, kasi I had this done when I was 19 and na-realize ko na masaya na pala ako sa dati kong katawan.
“I don’t regret it but parang naging bastusin talaga yung katawan ko especially if I gain weight even just a little bit. Pag-isipan niyo talaga,” pagbabahagi pa ni Bea.
Hirit pa niya sa bandang ending ng video, “Pero pag isipan niyo, don’t decide while nasa moving on stage kayo tapos gusto niyo magparetoke, my gosh that is a big no, no.”
Bukod daw sa pagpapadagdag ng boobs, sumailalim din siya sa buccal fat removal at nagpa-lipo ng braso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.