Katrina Velarde, Jessica Villarubin proud retoke queen: Obvious naman, di ba?
IBINANDERA ng dalawang biriterang singer na sina Katrina Velarde at Jessica Villarubin sa buong universe na sila’y proud retokada.
Wala raw silang nakikitang dahilan para idenay pa ang kanilang pagpapa-enhance dahil obvious na obvious naman daw ang pagbabago sa kanilang itsura.
In fairness, maganda naman ang naging resulta ng kanilang pagpaparetoke at talaga raw nakaka-boost ito ng self-confidence lalo na kapag nagpe-perform na sila.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, ipinagdiinan nina Katrina at Jessica na para sa kanila ay walang masama sa surgical enhancements lalo pa’t kailangan ito sa kanilang profession as artists.
Tanong sa kanila ni Tito Boy kung ano ang naging deciding factor sa pagdedesisyon nila na magparetoke.
Baka Bet Mo: Katrina Velarde tumanggi sa Britain’s Got Talent; inoperahan sa appendix
Diretsahang sagot ni Katrina, “First of all po, halata naman po. Halata, may mga old photos po so wala rin pong sense mag-deny. At saka po ‘yung sa ‘kin po kasi nu’ng una, sponsored kasi kaya kailangan.”
Dagdag pa ng tinaguriang Suklay Diva, “Ang na-realize ko po ngayon lalo na sa music industry, ang tao po ngayon, medyo weird lang Tito Boy, pero ang tao mas nanonood na sila, hindi na sila nakikinig.
“Mas gusto na nila ‘yung mas maayos or magandang-maganda ka bago ka nila pakinggan. Parang ‘yun na po ‘yung mas nasu-support daw ngayon,” aniya pa.
Mas naging confident na raw siya lalo na kapag humaharap na sa publiko para mag-perform. Pero sey ni Katrina, ilong lang ang ipinagalaw niya at ang fillers sa kanyang baba baba at ang mas mahabang pilikmata ay parehong non-surgical.
Samantala, hindi rin ikinahihiya ng Kapuso singer at “The Clash” champion na si Jessica Villarubin ang pagpaparetoke sa kanyang mukha.
Kitang-kita naman daw ng mga tao ang malaking pagbabago sa itsura niya noon sa face niya ngayon.
Naikuwento rin ni Jessica na matinding pambu-bully ang naranasan niya habang lumalaki dahil sa itsura niya. Kaya naman napakalaking bagay talaga para sa kanya ang pagpapa-enhance.
“Growing up, I was bullied talaga. Oo, na magaling ako, ta’s pangit, ganu’n. ‘Walang star quality.’ ‘Yun ‘yung kinalakihan ko, Tito Boy,” rebelasyon ng Kapuso singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.