Katrina Velarde malalim ang Christmas hugot; nagluluksa pa rin sa biglang pagpanaw ng asawa | Bandera

Katrina Velarde malalim ang Christmas hugot; nagluluksa pa rin sa biglang pagpanaw ng asawa

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

Katrina Velarde malalim ang Christmas hugot; nagluluksa pa rin sa biglang pagpanaw ng asawa

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 03:33 PM

Katrina Velarde at Mike Shapiro

MAKALIPAS ang ilang linggong pagluluksa sa biglaang pagpanaw ng kanyang asawang Amerikano, balik-social media na ang biriterang singer na si Katrina Velarde.

Ikinatuwa ng kanyang mga kaibigan sa entertainment industry at mga fans ang muling pagpo-post ni Katrina (na unang nakilala bilang Suklay Diva) sa kanyang mga social media accounts.

More than one month ding namahinga sa mundo ng socmed ang biriterang singer mula nang mamatay noong Nov. 14, 2021 ang kanyang American husband na si Mike Shapiro na isa ring musician at record producer.

Kung matatandaan, kinumpirma ni Katrina na pumanaw na ang asawa matapos bumuhos ang pakikiramay sa kanya sa social media mula sa mga kaibigan ng kanyang asawa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kasunod nito, nakiusap ang OPM singer na igalang at irespeto ang kanilang pribadong pagluluksa.

At bago nga sumapit ang Pasko, muling nagparamdam si Katrina sa madlang pipol sa pamamagitan ng isang makabagbag-damdaming Facebook post.

Aniya, “Someone you know is preparing for their first Christmas WITHOUT their husband, wife, mother, father, brother, sister, daughter or son. Others are preparing for their LAST.

“Regardless of the specifics, REMEMBER that this SEASON of joy is often times a season of sorrow for many. Be KIND, be GENEROUS, give LOVE, give HELP.

“If nothing else, JUST DONT GIVE PEOPLE A HARD TIME,” ang malalim pang Christmas hugot ni Katrina.
Ibinahagi rin niya ang ilang litrato na kuha nitong nagdaang Dec. 24 nang dumalaw sila ng kanyang anak sa kinalalagakan ng cremated remains ni Mike.

Kitang-kita sa itsura ng singer na labis pa rin ang nararamdamang pangungulila sa pagkamatay ng asawa.

Aniya sa caption, “Merry Christmas in heaven Mahal ko. We love and miss you. You’ll be forever in my heart and our hearts.”

Mas pinili ni Mike na manirahan dito sa Pilipinas kesa sa US dahil na rin sa abot-langit na pagmamahal niya kay Katrina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sila sa isang private wedding ceremony sa Tagaytay City noong May, 2021 ngunit makalipas nga lang ng anim na buwan ay sumakabilang-buhay si Mike (noong Nov. 14, 2021).
https://bandera.inquirer.net/297931/katrina-velarde-nagluluksa-sa-pagpanaw-ng-asawa-humingi-ng-privacy-mula-sa-publiko
https://bandera.inquirer.net/279756/katrina-velarde-tagumpay-ang-retoke-tinotoo-ko-na-po-ang-chismis-ganap-na-robot-na
https://bandera.inquirer.net/281734/ang-hirap-naman-ng-tanong-nyo-mga-lalaki-wala-na-talaga-akong-kilig-sa-kanila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending