Bea Borres nakiusap sa netizens: Stop tormenting my brother
TW: Sexual Exploitation, Depression
ISANG pakiusap ang hiniling ng aktres at social media influencer na si Bea Borres sa mga netizens kaugnay sa patuloy na pangbabatikos ng mga ito sa kanyang nakatatandaang kapatid na lalaki.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang larawan nilang pamilya na kuha noong sila’y mga bata pa habang nagbabakasyon sa Bohol.
“Maybe I did overshare, but my past experiences have shaped me into the person I am today,” panimula ni Bea.
Pagpapatuloy pa niya, “Everything is well and forgiven, which is why I was comfortable enough to share my story. I’ve faced so much backlash already, so l’m not one to say ‘stop bashing me,’ but I hope we can stop tormenting my brother.”
Baka Bet Mo: Bea Borres binidyuhan ng kapatid habang naliligo, ibinenta sa tropa
View this post on Instagram
Lahad ni Bea, sa ngayon ay sumasailalim ang kanyang kuya sa pagpapagamot at natuto na sa mga nangyari.
“He has been getting professional help & has learned a lot. We have witnessed his change and growth.
“I love him and have already forgiven him a long time ago,” sey pa ni Bea.
Aniya, “There is so much more to the interview than just the title. Please set your biases aside and watch the entire thing.
Mabuting tao ang kuya ko, he did his part and helped his self.”
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang naging interview ni Bea kay Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube channel ng huli kung saan naging bukas siya sa mga trauma o mapapait na pinagdaanan niya noong siya ay bata pa.
Ilan sa mga detalyeng nai-open niya sa kanyang panayam sa actress-host ay ang pang-aabuso na ginawa sa kanya ng kanyang kuya noong mga bata pa sila.
Nadiskubre raw kasi niya na pasikreto siyang kinukunan ng bidyo ng habang naliligo nang nakahubad.
Bago pa raw ito ay ilang beses na rin siyang hinipuan ng kapatid na noong una ay ipinagsasawalang bahala niya lang.
Kalaunan ay mas pinili na lamang ni Bea na unawain ang kapatid at sinabihan ang mga magulang na ipatingin na lang ang kapatid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.