Bea Borres dismayado, hiningian ng panggawa ng bahay

Bea Borres dismayado, hiningian ng panggawa ng bahay

Therese Arceo - June 29, 2024 - 07:30 PM

Bea Borres dismayado, hiningian ng panggawa ng bahay

HINDI mapigilan ng aktres na si Bea Borres ang madismaya sa nabasa niyang message request sa kanya ng isang netizen.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng dalaga ang screenshot ng ipinadalang mensahe sa kanya ng hindi ipinakilalang netizen.

Base sa mensahe ng netizen kay Bea, humihingi ito ng pera para matulungan silang magpagawa ng bahay kapalit ng mga likes sa kanyang mga posts.

“How many likes po yung gusto nyo para po matulungan nyo po ako makapag pa tayo ng sariling bahay para po sa mga magulang kopo?” saad ng netizen.

Baka Bet Mo: Bea Borres kinastigo ng netizens sa video ni Boss Toyo, nag-sorry

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nabanggit rin ng netizen kay Bea na siya ay 14 years old lamang.

“14 years old palang po kase ako nakikitira lang po kase kami bali dalawang pamilya po kami sa isang bahay Kasama po kapatid ni mama.

“[Baka] naman po makahingi ng kahit onti pang pagawa lang po ng bahay nakakahiya man po sainyo dahil di nyo naman po ako kamag anak or kadugo kahit onti lang po para po makabili lang ng mga materials po may kulang papo kase sa lupa,” hirit pa ng netizen kay Bea.

Agad nga itong ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram followers at inihayag ang pagiging dismayado nito sa nagpadala ng mensahe sa kanya.

“Grabe kahit panggawa ng house linilimos niyo na I can’t. Getting out of hand,” lahad ni Bea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muling naglabas ng sama ng loob sa Facebook ang dalaga hinggil sa isyu.

“Posted this on my IGS last night. So there’s this TikTok trend that’s been going around and I already chose a winner but I’ve still been getting so much dms and I think Eto na ata yung pinaka malala grabe!! Ako, I try to help as much as I can pero wag po sana tayo maging abusado :(( Nakakasad lang na ganto ang mindset ng iba, manlimos!” sey ni Bea.

Dagdag pa niya, “Hay Nako if nakita niyo lang dms ko andami nang hihingi ng damit, iPhone, pera at kung ano ano pa Pero Hindi naman naka follow At hindi naman True supporter. Nakaka disappoint.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending