Bea Borres 'napuno' sa netizens: Wala kayong makukuha sa akin

Bea Borres ‘napuno’ sa netizens: Wala kayong makukuha sa akin

Therese Arceo |December 02,2023
facebook
share this

Bea Borres ‘napuno’ sa netizens: Wala kayong makukuha sa akin

Therese Arceo - December 02, 2023 - 04:19 PM

Bea Borres 'napuno' sa netizens: Wala kayong makukuha sa akin

Bea Borres, Andrea Brillantes, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla

TILA napikon na ang best friend ni Andrea Brillantes na si Bea Borres sa mga netizens na hinahanap silang mag-bff matapos ang KathNiel break up.

Marami kasi ang kumakalampag sa dalawa na magsalita ukol sa pagkakaugnay ng “Senior High” lead star sa hiwalayan ng KathNiel lalo na nang maglabas ng official statement si Kathryn na kinukumpirma ang matagal nang kumakalat na balita.

Nagtataka kasi ang mga netizens na nananatiling tahimik ang kampo ni Andrea sa kanyang pagkakadawit bilang “dahilan” umano ng paghihiwalay ng KathNiel at maging si Bea na tagapagtanggol nito sa bashers ay tikom ang bibig sa isyu.

Punto ng netizens, kung wala talagang kinalaman si Andrea sa isyu ay bakit hindi nito linisin ang pangalan kung talagang hindi totoo ang chikang pagkakaugnay nito sa hiwalayan ng dalawa.

Maging si Bea nga ay kinukulit ng mga netizens ukol sa kanyang bestfriend dahil kilala ito na nagre-react sa tuwing nalalagay sa alanganin si Blythe lalo na sa nagdaang relasyon nito sa basketbolistang si Ricci Rivero.

At nitong Biyernes, December 1, nag-post siya ng video sa kanyang TikTok account ng kanyang reaksyon sa pangungulit ng netizens.

Baka Bet Mo: Tropa ni Andrea Brillantes na si Bea Borres balak sampahan ng kaso si Ricci Rivero dahil sa isyu ng ‘kabit’?

“Mag-asaran tayo dito. Wala kayong makukuha sa akin,” sey ni Bea.

Aniya, noong mga panahong nagsasalita siya ay sinasabihan siyang sawsawera at ngayong tahimik siya ay may comment pa rin ang netizens.

“Noong ako salita nang salita, gusto n’yong manahimik ako. Sasabihan n’yo akong sawsawera. Tapos ngayong nananahimik ako, kung anu-ano pa ring sinasabi n’yo,” hirit pa ni Bea.

Marami namang netizens ang nagkomento sa naturang video ng dalaga.

“sagutan palang ni bea confirmed na eh HAHWHSHAHAHAHAHAHAH,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “HAHAHAHAH mare kahit ako kapag tropa ko ganoon ay tatahimik talaga ako kaysa ipaglaban ang mali HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.”

“OKAY CONFIRMED MARE THANKS SA INFO,” hirit naman ng isa sa video ni Bea.

Dagdag pa ng isa, “‘wala kayong makukuha sakin’ imbes ‘wala silang relasyon’ hahsahhahahah.”

Sa ngayon ay umabot na ng 4.1 million views ang naturang TikTok video ni Bea.

Ilang linggo na ang nakalilipas ay nananatili pa ring tahimik ang kampo ng dalaga at ngayon nga ay mas lalo pang hinamon ng madla dahil nga nagsalita na si Kathryn.

Ngunit dahil sa naging video ni Bea ay mas lalo silang naghinala na baka totoo nga ang balita dahil bukod sa tahimik si Andrea ay hindi rin nilinaw ni Kathryn na walang katotohanan ang involvement ni Andrea bagkus sinabi lang nitong nagtapos nang may respeto ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nananatili namang bukas ang BANDERA para sa pahayag ng kampo ni Andrea hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending