Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann

Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann: Siya lang po talaga pinapanood namin ni Mama!

Pauline del Rosario |June 04,2023
facebook
share this

Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann: Siya lang po talaga pinapanood namin ni Mama!

Pauline del Rosario - June 04, 2023 - 02:39 PM

Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann: Siya lang po talaga pinapanood namin ni Mama!

Xyriel Manabat, Judy Ann Santos

INAMIN ng dating child star na si Xyriel Manabat na target niyang sumikat sa showbiz industry, pero hindi bilang artista.

Ang gusto niya raw ay makilala at mapansin ang kanyang talento pagdating sa pag-arte.

Ito ang deretsahang sinabi ng aktres sa batikang journalist na si Bernadette Sembrano matapos ma-interview na ibinandera sa YouTube.

Tanong sa kanya ni Bernadette, “What kind of actress do you want to become?”

Ang sagot ni Xyriel, “Ayoko po ng actress lang by fame. Gusto ko pong actress dahil sa line of work, sa craft and sa performance ko po.”

Patuloy pa niya, “Ayoko po na mane-name lang ako na actress dahil lang sa kasikatan kaya ako actress. Gusto ko po ay by the way I act kaya ko po ako naging artista talaga.”

Kasunod niyan ay ibinahagi din ni Xyriel ang ilan sa mga nais pa niyang matutunan patungkol sa kanyang passion sa trabaho at buhay.

“Sa pag-arte, siguro po huwag ma-drain. ‘Yun po ang isa kong kailangan ma-master,” sey niya.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Dagdag pa niya, “Huwag magpatalo sa story, huwag akong magpapakain sa role, kailangang mas angat at mas kontrolado ko ‘yung role. Hindi ako ‘yung kokontrolin ng role.”

“Sa life naman po siguro stability. Gusto ko po maging financial, mentally, physically stable,” sambit pa niya.

Nang tanungin naman siya ng journalist kung sino ang iniidolo niyang artista.

Mabilis na binanggit ni Xyriel ang batikang aktres na si Judy Ann Santos.

“Judy Ann Santos po ever since! Siya lang po talaga ‘yung pinapanood namin ni mama. Tapos iba po ‘yung charm niya,” excited na sinabi niya.

Inalala pa nga ng aktres ‘yung mga panahon na nagkaroon ng guest appearance si Juday sa pinagbibidahan niyang teleserye na “100 Days to Heaven” noong 2011.

Kwento niya, “nag-guest po siya sa ‘100 Days to Heaven’ na hindi ko po alam.”

“Sinurprise po ako ng set, e parang restaurant po ‘yun, nagtago po ako sa ilalim ng lamesa kasi hindi ko alam kung paano ko siya babatiin, kung pwede ko ba siya i-hug, i-shake hands,” patuloy niya.

Ani pa niya, “Sobrang saya ko po ‘nun. Parang siya po ‘yung kapag pinatulo niyo ‘yung luha pataas, magagawa niya po. Ganun po ‘yung tingin ko sa kanya.”

Matatandaang nagsimula sa showbiz si Xyriel noong bata pa lamang at bumida sa mga Kapamilya teleserye gaya ng “Agua Bendita,” “100 Days to Heaven” at “Wildflower.”

Sa ngayon ay gumaganap siya bilang Tonet sa ABS-CBN TV series na “Dirty Linen.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xyriel Manabat game na game nang sumabak sa pagpapa-sexy sa serye at pelikula, pero may kundisyon…ano kaya yun?

Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng ‘Dirty Linen’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending