Annabelle Rama, Cristy Fermin nagkabati na

Annabelle Rama, Cristy Fermin nagkabati na nga ba makalipas ang 2 dekada?

Pauline del Rosario - December 14, 2023 - 11:37 AM

Annabelle Rama, Cristy Fermin nagkabati na nga ba makalipas ang 2 dekada?

Annabelle Rama, Cristy Fermin

MUKHANG nagkaayos na ang dating aktres na si Annabelle Rama at ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ibinandera ni Annabelle ang kanyang pasasalamat para kay Nanay Cristy matapos siyang ipagtanggol nito sa isyung hiwalayang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Kamakailan lang kasi inihayag ng kolumnista sa YouTube vlog na “Cristy Ferminute” na normal lang sa isang ina na ipagtanggol ang inaaping anak.

“Wala pong magulang talaga na papayag na ang kanyang anak ay kawawain lalo na kung alam niya ang totoong kwento. Walang ganoon talagang magulang,” sey ni Cristy.

Anyway, ikinuwento nga ni Annabelle kung paano sila nagkausap ng tinatawag niyang “number one enemy” na si Nanay Cristy.

“Paggising ko kaninang umaga maraming text ako natanggap at mga missed calls from my friends na tunay na nakakakilala at nagmamahal sa akin. At sabi nila ay may maganda daw silang nabasa sa Facebook na sinulat ng number one kong kalaban at pinagtatanggol ako this time,” lahad niya sa post.

Chika pa niya, “‘Di ako naniwala at baka kako fake news na naman at ginamit lang ang pangalan niya.”

Baka Bet Mo: Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

“Nang kumakain na kami, sinabi ng anak ko, na maganda raw ang sinulat ng nasabing reporter at ipinagtanggol ako, kako baka fake, kaya pina-check ko sa PR ng Gutierrez family at na-confirmed nga niya na legit iyon account at siya nga mismo ang sumulat,” pagkwento pa niya.

Kasabay nito ay inaalala pa niya ang naging away nila ng kolumnista noong nagkaroon ng isyu ang isa pa niyang anak na si Ruffa Gutierrez.

“Siguro mga 25 years ago, nagkatapat na kami nyan, dahil naman sa pagtatanggol ko kay Ruffa,” kwento ni Annabelle.

Paglalarawan niya, “Grabe away namin noon, nagkademandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na siya makita.”

At pagkatapos niyan ay inamin ng dating aktres na lumambot ang puso niya kay Nanay Cristy dahil siya naman ang ipinagtanggot nito mula sa bashers.

“Dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam niya na tama ang ginagawa ko sa pagkampi ko sa anak ko, kaya niya ako naintindihan,” sambit ni Annabelle sa caption.

“I am sorry kung ano mang ‘di magandang mga text na nasabi ko sa iyo. At tinawagan ko  siya at nagkausap kami at nagpasalamat ako,” mensahe pa niya sa batikang kolumnista.

Nabanggit din niya na kinamusta rin ni Nanay Cristy ang kanyang mister na si Eddie Gutierrez at nilinaw na “fake news” ang kumakalat na nagkasakit ang kanyang asawa dahil sa isyu patungkol kina Sarah at Richard.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baka nabasa mo sa Facebook na nagkasakit siya (si Eddie) dahil sa issue nina Richard at Sarah. That’s all fake news, he is very healthy, alive and kickin , he is enjoying the company of his grandchildren,” caption niya sa FB.

Ani pa ni Annabelle kay Nanay Cristy, “Salamat sa maganda mong sinulat sa akin. Merry Christmas and Peace Be With You [red heart emojis].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending